Monday, February 7, 2011

syempre masaya

naaalala ko pa dati...
kapag lumilingon ka sakin
bumabawi ako ng tingin
nakakahiya kasi
nakakakaba
nakakatunaw
nakakauhaw
ang gusto ko lang nun
titigan ka ng titigan
ewan ko ba, di ko mapihilan
para ka kasing magnet
naaatract mo ko
nahihila palapit sayo

syempre masaya

naaalala ko pa dati...
kung pano ako magpanggap na busy
kahihintay sa oras ng iyong pag uwi
nagbabakasakali kasi ako
malay mo nga naman sasabay ka sakin
eh di at least di ako mabibitin
makakanakaw parin ako ng tingin
ilang beses pa rin akong magpapansin...
hanggang sa mapuna mo ko
hanggang sa makita ko ang ngiti mo
yun kasi ang nagpapagaan ng araw ko
yun ang breakfast ko, lunch saka dinner
makita lang kitang nakatawa
natatae na ko sa sobrang busog
basta para kang baked macaroni
para kang cheesy sphagetti
para kang french fries, burger
mango banana shake
bananaque, turon
imbutido at mamon
ngiti mo lang, para na akong busog

syempre masaya

naaalala ko pa dati...
para akong high school na kinikilig
parang kinder na naiihi
parang sanggol na kinikiliti
sarap kasing ulit ulitin ng mga YM messages mo
para akong dinuduyan sa hangin
parang stuff toy na kina-cuddle
parang empty cellphone na chinacharge
para akong lorong pinutulan ng dila
halos di makapagsalita
sa sobrang tuwa
YM palang yan
pero pakiramdam ko love letter na
aliw na aliw ako sayo
ikaw ang appetizer ko
ang charger ko
ang duplicate key ko
ikaw...
ang laman ng bawat panaginip ko

syempre masaya

dati yun.

ngayon
mas masaya
kasi hawak ko na
ang kamay mo
ikaw na ang kasama ko
sa tuwing makikita ko ang stop light
pero higit...
malaya ko ng nasasabi
at nasusulat
ang mga salitang
I HEART YOU

syempre mas masaya

No comments:

Post a Comment