Saturday, October 13, 2012

yes i do

I love you
Yes, everything about you
Your smile
Your moves
Your face
And I just couldn’t find the right word
To illustrate this feeling
It’s crazy
It’s funny
No.
It’s something I’d like to preserve

I love you
Despite and in spite of
Like I want to embrace your weaknesses
And totally admire the things that defines the real you
I want to shield you from every storm
I wish to be the sun in your own universe
I wish to give you comfort
And yes, with so much desire
I hope I could give you enough strength
When you feel like the world isn’t fair

I love you
And I know it’s not sufficient
To make your day dazzling
I just want you to know that I do…
And that I’m here…

I love you

And you don’t need to say a word…

number 2

for me you’re that one big star I would always find irresistible to gape.

Thank you for letting me feel that I am special.
Thank you for the warm embrace.
Thank you for giving me enough reason to smile.
Thank you for being my driving force.

And I say thank you for the wonderful night.
For holding my hands
For makin me feel like I have nothing to be scared of.
For one night, I’ve felt like you’re mine… exclusively.

Yeah thank you for making me feel that I am special.
Only special. Nothing more…

I will never fully have your heart.

A part of it?

maybe.

I can never hold you completely.

Well it sucks to be number 2

So I’m letting you go.

other side

sorry
di kasing ayos
ng dati mong ginagalawan
ang mundo ko
walang masyadong palamuti
walang masyadong kulay

sorry di ako kasing sweet
ng dating may hawak sayo
di rin kasing thoughtful
wala masydadong "i love you"
madalang ang salitang "i miss you"

sorry sa mga imperfections ko
magulo ako
maingay
matigas ang ulo
maaway

sorry talaga
pero eto

ginawa ko to
para malaman mo
na sa kabila ng mga
imperfections ko
hahawakan ko pa rin ang kamay mo
di kita bibitawan

at pipitikin ko
ang kahit sino mang mananakit sayo

PINKY SWEAR

with love

gustong gusto ko ang amoy ng pabango mo
parang kahit san ako pumunta
ang scent ng perfume mo ang aking hinihinga
parang lagi kang andyan
kahit limang kilometro ang layo mo
parang pisngi lang natin ang pagitan
parang walang kahit anong wall ang nakaharang

gustong gusto ko ang tunog ng yong tawa
parang naghahalina
ang sarap pakingggan
parang musika
kapag nalulungkot ako
kapag nakakaramdam ng mahabang pagkapagod
isang tawa mo lang, lahat parang okay na

gustong gusto ko ang mukha mo
ang sarap mong guhitan sa may noo
kapag sobrang himbing ang iyong tulog
ang sarap mo namang lagyan ng uling
sa tuwing sasabog ka sa galit
at ang sarap mong ihug
kapag "call of nature" naman ang nakaukit

gustong gusto ko ang bibong side ng ugali mo
kung pano mo hawakan ang kamay ko
kung pano mo ko napapatawa sa mga pilit na jokes mo
kung pano mo i-shield ng metal ang heart ko
kung pano mo ko lunurin sa love
at syempre kung pano tayo
sabay aahon kapag sobrang sad

eto last...

gustong gusto ko ang tunog ng utot mo
parang reminder lang
na baby I LOVE YOU.haha

this is you

You are my world
The air
The rain
The thunder
The scheming forces that ties me

You are my world
The melody
The rhythm
The cadence
The magical song that lift my soul

You are my world
The grief
The bliss
The contentment
The emotions that describes me

You are my world
The red car
The mansion
The ticket to Paris
The desires that sets me in motion

you
are
my
world.

gelata

ni minsan hindi ako naging magaling sa pagbasa ng love. may pagkakataong kinakapos ako. may mga panahon namang nasosobrahan ko. akala ko dati sobrang simple lang.magsasabi lang ako ng i love you tapos hihintayin ko syang mag i love you too. ganun lang kadali. dati. kaya ilang beses din kaya akong nagkamali. mga lima, anim, pito o higit pa siguro sa sampu. ewan ko di ko na mabilang.

kaya naisip ko, komplikado nga talaga ang love. para lang to sa mga matatapang na tao. may taglay syang super power na hindi mo malalaman hanggat hindi mo hinahawakan. ilang beses ko tong tinangkang hawakan, tapos ilang beses din akong napaso. pero madaming beses din naman akong nag enjoy. sa dinami daming pagkakataong nahawakan ko to, ni minsan hindi ko na memorize kung sang parte ako masasaktan. o kung sang parte ako makakafeel ng happiness. ang hirap nyang basahin. ang hirap nyang kabisahin. kaya kung pa duwag duwag ka, pa iyak iyak lang, palabas labas ng dimples, pa relax relax lang tapos pa flirt flirt lang. wag na. di 'to para sayo.

ang alam ko lang. di sapat ang simpleng i love you. sabi ng iba, sapat na yun. pero sa totoong drama, hindi pa rin. hindi naman lahat ng nagsasabi ng i love you, nakakatanggap ng i love you too. hindi rin lahat ng mababasa o maririnig mo totoo, ang iba dyan kathang isip lang. at mas lalo namang hindi hihinto ang mundo kapag pareho na kayong nakapagbitaw ng i love you. pakyut kyut lang yun. ang totoo, patuloy kang tutuksuhin ng mundo hanggang sa mahilo ka. tapos malito. hanggang sa hindi ka na sigurado. pero may mga ilan din namang nanindigan. hindi naman lahat marupok. hindi naman lahat kagaya ko.

hindi ko din pwedeng sabihing nilalaro lang ang love. kasi kung laro lang ito, hindi iiyak ng todo yung mga natalo. kaya ni minsan hindi ko sinubukang laruin ang love at mas lalong hindi ko pinangarap maging manika o robot. kung mahal mo ang isang tao, ituring mo syang kakampi-wag lang basta kalaro. ingatan mo. ipakita mo yung mga susunod mong bara, ipahiram mo yung pinakamagara mong pamato, tapos ichismis mo kung anu ano yung mga bagay na magpapabagsak sayo sa laro. ituring mo syang kakampi. uulitin ko. kakampi-hindi kaaway.

basta ako simple lang ang concept ko ng love. para syang jelly ace. iba iba yung kulay. iba iba din yung packaging. iba iba yung hugis. pwede mo syang hati hatiin sa mga taong nasa paligid mo. pero yung paborito mong kulay ibibigay mo pa din sa taong laman ng lahat ng panaginip mo. yung pinakamaganda ang packaging? ititira mo pa din yun sa taong espesyal sayo. at yung hugis heart? para sa kanya pa din yun. kaya ngayon, hindi na siguro ako malilito. pwede akong mamahagi. pero ang ending neto. sayo pa din yung pinaka yummy. promise yan.

dear first love

Dear First Love,

Naaalala mo ba nung kinder tayo? Hinihintay mo yung nanay mo sa labas ng playground. Konti na lang iiyak ka na. Hindi ka na nga mapakali sa pwesto mo. Para kang inagawan ng baon. Lukot na yung mukha mo. Yung mga kamay mo pabalik balik na sa bulsa ng skirt mo para kunin yung panyolito mo. Bakas na yung sobrang pag aalala sa mukha mo pati nga sa galaw mo eh. Ganyan ka kaya lagi. Tense ka kapag mag uuwian na. Pakiramdam mo kasi hindi ka susunduin ng nanay mo. Alam mo bang bata pa lang tayo kabisado ko na yung expression ng mukha mo. Alam ko kung kelan papatak yung luha mo. Kaya alam ko din kung kelan ako lalabas. Ako yung batang laging hinuhubaran ng short sa swing. Tapos hahabulin ko yung grupo ng mga batang nag alis ng salawal ko. Kapag nakikita mo kasi akong tumatakbong walang shorts, naririnig ko yung tawa mo. Tapos makakaramdam ako ng saya. Sulit yung di ko pagkain ng baon ko para isuhol sa mga batang maghuhubad sakin ng shorts. Masaya ako kapag nakikita kitang tumatawa o ngumingiti. Pakiramdam ko napigilan ko yung kalungkutang nararamdaman mo kapag mag isa ka lang at naghihintay…naghihintay kung anong oras susunduin. Hindi mo na siguro naaalala. Malamang.

Nasa star section ka nung elementary tayo tapos ako nasa gitna lang. Gitna. Alanganing matalino. Alanganing bobo. Magkasama tayo sa English Club. Oo, ako yung pilyong escort mo. Ako pa nga nag nominate sa sarili ko. Ako na rin ang nagclose ng nomination. Ako na rin ang nag second the motion. Ako na rin namigay ng chocolates habang nagcocount ng votes. Syempre gusto kong maging escort mo. Kahit nga di ako magaling sa English sumali pa rin ako sa club kasi lam kung dun ka sasali. Kaw kaya ang pinakamagaling sa klase nyo. Nosebleed nga sayo pati teachers. Kaya nga hindi ko nagawang makipagkuwentuhan sayo. Mahirap na baka mawalan ako ng dugo. Saka baka bigla akong maging ngongo ano. Mahirap na. Kung kahit konti naaalala mo ako, salamat.

Miss nung higschool tayo, ilang beses akong labas-pasok sa classroom nyo para manghiram ng scientific calculator. Ilang beses mo din akong pinagtulakan paalis. Pero paulit ulit ko pa ring ginagawa yun. Papahiram ko yung scientific calculator ko sa ibang section tapos hihintayin kong palabasin ako ni maam. Syempre sa section nyo ako manghihiram. Andun ka eh. Baka this time mapansin mo na ako. Hoy miss, nung JS saka S Prom, isa ako sa mga nakasayaw mo. Ako yung sabi mong amoy chiko. Sorry ha. Sa alak ko kasi hinanap yung lakas ng loob para maisayaw ka. Kinakabahan kasi akong hawakan yung kamay mo. Baka kasi hindi mo ibigay. Baka itaboy mo na naman ako kagaya ng pauliy uliy mong pagpapalayas sakin sa classroom nyo. Pasensya na sa amoy. Pero gusto ko pa lang malaman mo na sobrang saya ko nung mga gabing yun. May litrato pa nga ako natin habang sumasayaw. Hindi ka nakangiti pero okay na din. Maganda ka pa rin naman. Sakin nga pala galing yung mga bulaklak. Hindi naman yun galing kay Rico. Pwede mo kayang alalahanin yung mukha ko habang kasayaw kita? Baka sakaling maramdaman mo yung sayang nararamdaman ko habang nakapatong ang mga kamay mo sa balikat ko.

Tapos nung college mas lalo ka pang gumanda. Pero hindi mo pa rin ako maalala. Sa tuwing magkakasalubong tayo sa hallway ni hindi ka man lang ngumingiti. Samantalang dun sa nagtitinda sa canteen super smile ka. Grabe lang talaga. Galit ka ba sa may mga dimples saka medyo pogi? Alam mo bang sinadya kong ibenta yung motor na regalo ng nanay ko para lang masabayan ka lagi sa pag uwi? Alam mo bang ako yung lagi mong katapat ng upuan sa jeep? Oo yung sa tuwing hapon nakashades tapos hanggang gabi nakashades pa din. Ako nga yun. Paraan ko yun para mapansin mo ako. Pero wala talaga. Naisip ko tuloy kahit anong gawin ko, hindi mo matatandaan ang mukha ko. Invisible ako. Para lang akong hangin palihim na dadampi sayo ng hindi mo nakikita. Para lang akong anino mo. Plain black. Walang mukha. Kapag naaalala ko kung ilang beses akong kumaway sayo, nadudurog ako. Kasi ilang beses ka ding kumaway sa mga tao sa likuran ko pero kahit isa…walang kaway para sakin. Masakit kaya yun. Alam mo ba?

Siguro nga hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kilala. Balita ko, Cum Laude ka daw. Congrats ah. Galing mo talaga. Idol talaga kita kahit kelan. Sayang nga lang hindi kita makikitang sabitan ng medalya. Hindi rin kita maririnig mag speech. Hindi ko makikita yung tuwa sa mukha mo habang inaabot mo yung diploma mo. Sayang talaga hindi ako kasama sa mga gragraduate. Hindi tuloy ako makakapag papicture sayo. Pero alam mo kahit kelan hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Kahit paulit ulit akong pumatay para sayo gagawin ko. Oo fisrt love, ako yung lalaking sumaksak sa katabi mo sa jeep. Sabi ko naman sayo. Kilalang kilala kita. Alam ko kung kelan ka masaya. Alam ko din kung kelan ka takot. Nung makita ko yung mabibilis mong paglunok. Hinagilap ko agad yung bagay na nagbibigay ng discomfort sayo. Nakita ko yung kamay ng gusgusing lasing. Hindi ko napigil ang sarili ko. Agad kong kinuha yung patalim sa likuran ko. Hindi na ako nagdalawang isip. Sinaksak ko agad. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaso ko. Nahaluan na ata ng pulitika. Bataan daw ng mayor eh.

First love, kung maaalala mo ko. Dalawin mo naman ako. Malungkot sa seldang ito. Ang tanging nagpapasaya lang sakin ay yung mga memories na ako lang ata ang nakakaalala. Yung batang musmos na tinitiis yung gutom para lang may maisuhol na baon sa mga maghuhubad sa kanya, para lang mapangiti ka saka marinig yung tawa mo. Yung escort mo sa English Club na namigay ng mga chocolates para lang manalo. Yung makulit na laging nanghihiram ng scientific calculator sa klase nyo. Yung taong lagi mong pinapaalis. Yung amoy chikong nakasayaw mo sa JS at S Prom. Yung mga bulaklak na inamoy amoy pa. Yung pretty boy na lagi mong katapat ng upuan sa jeep. Yung laging naka shades. Yung nagpaka super hero sayo. Ako yun. Sana naaalala mo na yung mukha ko.

Ang lungkot lungkot dito sa selda. Miss na kita.

algebra

yung panaginip ko parang algebra
nagising ako sa sobrang takot
nakaramdam ako ng sobrang lungkot
para syang equation
na hindi kailangan ng computation
pwede kang mag magsubstract
pero dapat di ka madistract
alanganin kang magmultiply
kasi pwede kang mapilay
wala kang hahatiin
may kailangan ka lang hintayin
nasa gitna ka ng sitwasyon
na undefined yung solutions

sa panaginip ko,
parang ang daming tao
tapos may kailangan akong hanapin
sa loob lang ng isang minuto
may kalabuan yung mga mukha
sa panaginip ko para akong kawawa
ang tagal bago ka nagpakita
kahit pa ramdam kong andun ka
kung baga sa algebra
ikaw lang ang given value
ikaw lang ang nag iisang clue

nagising na lang ako bigla
hawak ko yung dibdib ko
ang bigat sa pakiramdam
para akong sinukluban
nahanap kita
pero bigla kang nawala
hawak hawak na kita
pero nabitawan pa
tapos nayakap kita sandali
pero ginising naman ako ng hikbi

para syang algebra
may mga letters and symbols
pero walang exact figures
parang 2x + u = y
hindi ko makita yung sarili ko
nawawala ako sa equation
kaya naisip ko
baka ako ang tamang solution

sa araw na to
nanaginip ako ng algebra
at bigla
nakaramdam ulit ako ng takot

pero kailangan mong maniwala sakin
masosolve ko to
para ka talaga sakin

Wednesday, August 29, 2012

till i lose control

pwede bang i-tease mo ulit ako?
yung parang walang nagbago
yung tipong nagsisimula pa lang tayo
kinikilala pa lang kita
kinakabisa mo palang yung bawat galaw ko
yung di ko pa alam ang amoy ng pabango mo
hindi mo pa masundan ang musika ko
babalik tayo sa dati
bibiruin kita
ngingiti ka
kikindatan mo ko
kikiligin ako
tatapikin kita sa balikat
tutugon ka na parang manyak
maghoholding hands tayo ng patago
magsusulatan
magkukulitan
tapos
ayan na
buo na araw mo
niyakap na ko ng mundo
dalawa tayo
in love
masaya

dati

maibabalik pa naman yun di ba?

pwede bang i-tease mo ulit ako?
ibahin lang natin ng konti yung ngayon
baguhin natin yung tugtog
bagalan natin ng konti
hayaan nating isayaw tayo ng hangin
hanggang sa magbulungan ulit
yung mga hearts natin
hahawakan ko ulit ang kamay mo
yayakapin mo ako pabalik sayo
magsisimula tayo ng panibago
ikaw
ako
yung love na meron ka
yung sweetness na kaya ko
pagsamahin ulit natin
kahit wala ng ibang elemento

sapat na yun
ikaw
ako

pwede bang i-tease ulit kita?
ngayon na?

mahal kita
pag nawala ka
ilang bilyong luha
ang katumbas mo

mahal kita
mundo
sa paraiso

Tuesday, August 28, 2012

am i not worth every fall?

Ang gusto ko lang naman, sampung minutong oras mo para sabayan akong kumain. Kahit nga limang minuto lang. Maramdaman ko lang na may kasama pa ko. Na adyan ka pa. na pwede mo kong hawakan. Tapikin kapag nabibilaukan. Sampung minuto lang. Yung masaya tayo. Yung hindi mo ipaparamdam sakin na kulang ako. Na kalahati lang ang happiness na maibibigay ko. Na ¼ lang ako kumpara sa mga taong minsang sumayaw sa mundo mo. Na ako ang nasa gitnang kulay ng bahaghari mo. Hindi ako yung “best” hindi rin ako yung huling tatatak. Gitna lang. Walang appeal. Hindi mamarka. Gusto ko lang naman kahit tatlumpong segundo, maglandian tayo. Ifliflirt kita, gaganti ka. Gusto kong sabay nating maramdamang may spark pa. Hindi yung ako lang ang naniniwalang meron pa. Ang gusto ko lang hawakan mo yung kamay ko tulad ng dati. Yung konting dampi lang, magke-curve na agad yung ngiti. Yung walang pilitan. Yung hindi peke. Yung kusang binibigay. Kung pwede ko nga lang balikan yung nakaraan tapos tabunan na lang yung kasalukuyan. Kung kaya ko nga lang isulat na ang hinaharap. Mauuwi tayo sa masaya. Hindi ganito. Magkabilang mundo. Para akong batang naghihintay ng paputok sa panahon ng tag ulan. Umaasa. Aasa. Asa.

Monday, July 9, 2012

second chance

Yakap yakap ko sya ng gabing yun. Mahigpit na mahigpit, parang ayaw ko syang bitawan. Paulit ulit kong sinasabi ang mga salitang “I love you”. Walang kapaguran – paulit ulit. First date namin ulit. Balik sa umpisa simula ng magkaroon kami ng tampuhan na nauwi sa hiwalayan. Halos isang taon din kaming hindi nagkita. Halos isang taon ding wala akong alam sa mga nangyayari sa kanya. Kahit sampung beses kong binibisita ang facebook page nya, wala naman akong makuhang kahit anong impormasyon. Di ko alam kong single pa din ba sya o nagpakasal na sa sobrang inis sakin. Profile picture nya lang ang tanging visible sa mga mata ko. Araw araw kong sinisisi ang mga block, remove, unfriend na function sa facebook. Araw araw akong napapamura sa tuwing bibisitahin ko ang profile nya. Ang sarap sarap lukutin ng mukha ni Jericho Rosales. Parang gusto kong itapon ang laptop ko. Pati profile picture na lang, napagdamot pa sakin. Binabato ko lagi ang sisi kay Jericho, tapos pag pagod na kong makipag away sa monitor, nanay ko naman ang inaaway ko. Bakit kasi hindi ako nagkaroon ng dimples nung niluwal nya ko. Di sana, di kami nagkakalayo ni Jericho. Close fight. Tipong isang balde lang ng tubig, hawig na ko sa pwet nya. Pero mabait pa din si Lord, binigyan nya ko ng chance para maging masaya ulit. Nagbunga din ang halos isang taong paghihintay ko. Nagkaroon kami ng pangalawang pagkakataon para makabawi sa isat-isa. Para ma-itama yung mga mali namin, para maging mas sensitive kaysa sa dati, para mas maging responsable. Pangalawang pagkakataon para magbigay at tumanggap ng pag ibig. First date namin ulit. Ang saya saya ko. Para akong lumulutang sa hangin. Para akong sexy model sa taas ng confidence level ko. Ngayon na naman lang ako nakaramdam ng sobrang excitement, tipong kahit Baclaran pa lang gusto ko ng bumaba. Ngayon na naman lang may bumisitang paro paro sa tyan ko. Ngayon na naman lang ako nakarinig ng musika sa paligid. First time ulit. Sinundo ko sya sa bahay nila. Grabe para akong fifteen years old. Kinikilig ako sa tuwing tinutukso kami ng mga kapatid nya. Kinakabahan sa tuwing dadaan ang tatay nya. Nagiging OA sa pag galang sa tuwing sasagot sa mga tanong ng nanay nya. Ganito pala ang feeling kapag gustong gusto mong ayusin ang isang bagay. Kahit alam mong hindi mo sya mabubuo sa isang araw lang, pipilitin mong pagdidikitin ang mga nasirang piraso nito. Sa kahit anong paraan, kahit pa laway ko na ang ipandikit ko. Hinawakan ko ang kamay nya habang naglalakad kami palabas ng bahay nila. Habang nasa taxi, hindi ko pa rin ito binibitawan. Sa tuwing magkukuwento sya, sinisiguro kong wala akong hindi maririnig. Tutok na tutok ako sa kanya. Sa tuwing magtatangka syang magpatawa, kahit hindi pa tapos ang banat nya, tatawa na ako. Sa tuwing babahing sya, sinisiguro kong maiiaabot ko kaagad ang panyo ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, hinding hindi ko na hahayaang masira kami ulit dahil sa takot akong ipakita yung totoo kong nararamdaman. Di bale ng masabihan ng PDA, di bale ng mag mukhang OA sa ibang tao. Ang importante, yung nararamdaman nya. Kung pano sya magiging masaya sa tuwing hahawakan ko ang kamay nya kapag napapaligiran kami ng ibat ibang maskara sa paligid. Kung pano sya makakahanap ng comfort sa tuwing aalalayan ko sya. Kung pano nya makikita ulit ang pag-ibig sa tuwing titingnan ko sya. Yun ang mahalaga. Maipakita at maiparamdam ko sa kanya yung mga bagay na naipagkait ko nung unang pagkakataong pinagkatiwala nya sakin ang puso nya. Basta ang mahalaga, maalis ko yung sakit na naramdaman nya sakin dati. Simula ngayon, ang mahalaga – sya. Nanuod kami ng sine, kumain sa paborito nyang restaurant, naglakad lakad sa mall. Nagkuwentuhan. Nagtawanan. Nagpalitan ng sorry. Tumanggap ng patawad. Nagpatawad. Nag sabihan ng I love you. Sa isang araw, nahanap ko yung mga nawawalang parte ng pagkatao ko. Sa isang araw, nakabuo kami ng mga panibagong alaala. Sa isang araw, nalagyan ko ng band aid yung parte ng puso nya nasugatan ko nung mga panahong sarili ko lang ang iniisip ko.sa isang araw, nayakap ko ang mundo. Sabay naming nakita ang paglubog ng araw, ang paglitaw ng mga bituin, ang pagsilip ng buwan. Holding hands. Face to face pa. Ang saya saya ko. Ang daming matitinkad na kulay sa mukha ko. Sa tuwing ngingiti sya, tumatalon ang puso ko. Mahal na mahal ko sya. Yakap yakap ko sya ng gabing yun. Mahigpit na mahigpit. Sobrang higpit. Ayoko syang bitawan. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa mga dugong kumakapit sa kamay ko. Pilit kong tinatakpan ang tama ng baril sa likuran nya. Paulit ulit kong sinasabi ang salitang I love you. Tuloy tuloy ang pagpatak ng luha ko. Nakaramdam ako ng sobrang galit. Sobrang galit sa taong nakabaril sa kanya. Nasalo nya ang balang hindi naman dapat sa kanya. Dalawang balang umagaw ng mga binubuo kong pangarap. Dalawang balang sana, ako na lang ang sumalo. Hawak hawak ng mga pulis ang lalakeng pilit paring nagpupumiglas. Sabog na sabog. Anak daw ng congressman kaya madalas magpaulan ng bala sa daan. Hawak hawak ko pa rin sya. Duguan.

Saturday, June 9, 2012

love is

love is physically powerful. love is unruffled. love is merciful. love is kind. love is kissable. love is gorgeous. love is priceless. love is sweet. love is gentle. love is pure. love is crazy but endearing. love is extremely adorable and absolutely sexy. love is tender. love is gracious. LOVE is YOU. Happy monthsary baby.

Saturday, April 28, 2012

exchange blows

i give anything for a smile
will be anyone for a squeeze
be someone’s slave or hostage
get drown in the saddest sea
leave my world
build your dream
purchase a fortress
be not me...

and you…
i still don’t know.
never been a piece of your pie
or a part of the diagram
never filled up the hole

to you…
i am but me-
not sufficiently expert with your heart
powerless and weak
bitch at hand
egotistical monster
a mischievous sprite

for me… you’re a star
a diamond
a pearl
the Christmas
the v-day
the new year
the future
the house
the red car
my sweetest reverie…

and how exactly is that fair?
so love is never evenhanded
there’s you – there’s me
exchange blows

Wednesday, January 4, 2012

minsan may isang budoy

malulungkot ako kapag nawala sya.

malulungkot

malulungkot

malulungkot

malulungkot.

bata pa lang kami hikain na sya. pero kahit na hihinihika na sya. nakkikipaglaro pa din sya ng habulan sakin. hindi sya titigil hanggang hindi sya nakakasabay sa takbo ko. kasi daw alam nyang iiyak ako kapag di ko sya makita sa tabi ko. kapag napuputol yung tali ng tsinelas ko, sya pa rin ang nag aayos. kahit na yung dila nya parang sasayad na sa lupang may jebs. okay lang yun. wala syang pakialam. ang mahalaga daw, hindi madumihan yung paa ko. para akong prinsesa kapag kasama sya. para akong may ari ng isang malawak na lupain. lahat ng natatanaw ng mga mata ko, pinipilit nyang akin. bata pa lang kami ganun na sya ka romantic mag isip. pakiramdam nya kasi sya yung prinsepe ko. prinsepeng sipunin.

sa kanya ako nagcoconfide ng mga nakakatawa saka nakakatakot na nangyayari sakin sa araw araw. sa kanya ko rin kinukuwento yung mga kapilyahan ko. kung pano ako nangungupit ng barya sa tindahan. kung pano ako tumatakas sa school para makipaglaro ng sungka saka bingo sa kalapit naming bahay saka kung pano ako nagpapanggap na pipi kapag nasa jeep. alam nya lahat yun. wala akong tinatagong sekreto sa kanya. ganun din naman sya sakin. tipong alam ko pati lasa ng sipon nya.

close na close talaga kami. dikit. kapag masaya kami, dinig sa kabilang kalye yung tawanan namin. kapag malungkot naman kami, pati abs-cbn, nakikidalamhati sa lakas ng iyak namin. walang okasyon na wala sya sa tabi ko. nung debut ko, kahit may hawak syang inhaler sya pa rin ang escort ko. ang cute nya nga. kasi habang sumasayaw nag pupuff sya. pero kahit mabigat yung dibdib nya pinilit nyang sumayaw. isayaw ako. hawakan ako sa isa sa mga mahahalagang parte ng pag iinarte ko. hindi nya alam kung gaano ko naappreciate yung mga ganung bagay. yung white rose nga na bigay nya, inipit ko pa sa libro ko. gusto ko kasi may remembrance ako sa kanya nung araw na yun. wala lang. trip ko lang. bakit ba? mas gusto kong ipreserve yun kaysa sa regalo nyang stuff toy.

madami din naman kaming adventures na magkasama. ay mali pala. lahat pala ng adventures ko, kasama ko sya. naaalala ko nga nung pumunta kami ng baguio, muntik na akong mahulog sa kabayo. nung makita nyang malalaglag ako. nabitawan nya yung hawak nyang coke. tumakbo sya agad palapit sakin. nung minsang maisipan naman naming magpakasosyal at uminom sa isang bar saka mag disco-disco, naramdaman ko yung nginig ng katawan nya habang kausap yung lalaking di-begoteng halos isang oras ng dikit ng dikit sakin. nagpaka hero na naman si 'hikain'. naalala ko din yung minsang masasagasaan ako ng bulok na kotse, nataranta sya. tinulak nya ko. nagbounce bounce ako sa may gilid ng daan. nakaganti na sya sakin. nahalikan ko na rin ang lupa. naawa ako sa kanya. dinuro duro sya nung nagmamaneho ng bulok, super bulok na sasakyan. "hoy budoy, wag kang tatanga tanga". pero hindi nya pinansin yun. nilapitan nya ko agad. natawa pa nga ako, kasi bigla nya kong hinawakan. sabi nya sakin "hi jackie, ako budoy".

yung last naming adventure. yun yung the best. gusto ko. yun lagi ang maaalala ko. sana yun din yung maaalala nya. naglalakad kami sa buhangin. tapos nagtutulak tulakan. tumatawa. tapos bigla na lang tumigil yung ikot ng mundo. pakiramdam ko kami lang dalawa yung tao. kung meron man. lahat sila invisible. hinawakan nya yung kamay ko. sabi nya mahal nya ko. higit pa sa kaibigan. niyakap ko sya syempre. matagal ko ding hinintay yun. naluha pa nga ako. tapos sya tumulo pa yung sipon.

"anong nangyari pagkatapos?"

wala, naisip naming sumakay ng bangka sa sobrang tuwa. baliw nga eh. sya daw mismo ang sasagwan. para kaming lumulutang sa hangin. pakiramdam namin tumama kami ng sampung milyon sa lotto. nakaguhit yung masayang ngiti sa mukha namin. may puso-puso pa sa nuo.

kaya lang tumaob yung bangka sa sobrang lakas ng alon. nakita ko sya habang nilalaro ng alon. sumusigaw sya. ramdam ko sa boses nya na inaatake sya ng hika. nakipag patayan ako sa alon. hanggang sa ma-save ko sya. sabi ko sa kanya, kumapit muna sya sa may katig. masayang masaya ako na naligtas ko sya. mahal na mahal ko sya. malulungkot ako kapag nawala sya.

"mahal mo pala? bat ka nandito?"

kasi yung bunsong kapatid nya, sumunod samin. nakita ko ang pagtaob ng bangka nila. tinatangay na sya ng alon palayo. kaya nagpakabayani ako.

okay lang yun. mahal na mahal ko kasi sya. buong buhay ko, lagi sya ang hero. panahon yun, para masuklian ko lahat ng mga nagawa nya sakin. alam ko malulungkot sya kapag nawala ang bunso nila. alam ko kung gaano nya kamahal ang mga kapatid nya. saksi ako ng lahat ng sakripisyo nya. lahat ng paghihirap. lahat ng pagpupursige. kaya alam ko. malulungkot sya. kaya eto, ako na si darna. niyakap ko sya sa oras na pakiramdam ko masasaktan sya. ako naman ngayon. lagi na lang sya.

.......

sabay sara ng libro.

"o tara na darna, pasok ka na sa langit. naghihintay sayo ang mga power puff girls"