Thursday, February 24, 2011

dahil brave ako.

LOVE?
naduduwag ka?
huwag.

lahat naman tayo pwedeng masaktan. walang exemption. walang ligtas dun. kahit pa magtago ka sa kweba o ibaon mo ang sarili mo sa ilalim ng chocolate hills, mahuhukay at mahuhukay ka pa rin. lalabas ka pa ring madungis. sinong napagod? wag mo kasing takbuhan. sabi nga its an "excruciating pleasure". kung mamahalin ka din ng taong mahal mo. eh di good. kung hindi naman, magpakamatay ka o patayin mo yung bobong tumanggi sa katawan mo (haha). joke lang. kung ayaw sayo, wag mong pilitin. baka may darating na mas gwapo o mas maganda. yung hindi bungi. parang exam lang yan retake lang ng retake. papasa ka rin. basta wag mong takbuhan. sayang ng effort mo, mahahabol ka rin nyan.

parang negosyo lang yan. kapag nag-invest ka, pwedeng tumubo, pwede ding malugi. kung tumubo ka, balatuhan mo ko, kung malugi ka naman. taya lang ng taya. makakajockpot ka din.

duwag lang ang hindi marunong mag-LOVE.

duwag.

tatakbo ka pa ba?

wag na.

yakapin mo na lang.

kasi ako nung niyakap ko sya, wala na. ayoko na syang pakawalan.

2 comments: