Monday, February 7, 2011

ikaw at ang facebook

kung facebook ka
araw araw kung iki-click ang like
minuminuto kong titingnan ang status mo
aabangan ang news feed
makikibalita tungkol sayo

kung facebook ka
sana ako ang nag iisang wall mo
para sakin mo lang sasabihin
sakin mo lang din babasagin
lahat ng 'yong inner feelings

kung facebook ka
hihilingin kong ako ang profile mo
para every month, o year
pwede mo kong i-update
lagi akong connected sayo

kung facebook ka
ayokong maging friendster
kasi di ko kaya ang magkahiwalay na mundo
hindi ako makakasabay sa takbo mo
baka magkawalaan tayo

kung facebook ka...

sana huwag naman

kasi kahit ako ang laman ng profile mo
may iba paring mag viview
madaming maglalike
magbabasa ka ng madaming comments
baka hindi ako ang maging priority mo

magseselos ako

sige sana tigre ka na lang
para ako lang ang magpapaamo sayo

No comments:

Post a Comment