Thursday, February 10, 2011

bibili kita ng bagong mundo

kung dadalhin kita sa mundo ko
sa bahay kita unang ipapasyal
pakikilala ko sayo si mama
pagmamanuhin kita kay papa
magkukulitan kayo ng mga kapatid ko
at makikipaghabulan ka sa mga askal naming aso
matutulog ka sa kwarto ko
paborito kong unan ang aakapin mo
sa bahay kita unang ipapasyal
kasi gusto kong makilala mo
ang mga taong para sa akin ay espesyal
sa ganung paraan mas mababasa mo ako
mas mauunawaan...
malay mo sa ganung paraan
mas mapalapit ako sayo ng lubusan

kung dadalhin kita sa mundo ko
pipilitin kitang maglaro sa toms world
hahawak ka ng bola
magbibilang ka ng tokens
ng tickets
ng rewards
tapos bago tayo umuwi
pipilitin din kitang kumanta
di para pagtawanan o laitin
gusto ko lang marinig ang boses mo
para kasi sakin, sapat na yun...
para mapawi lahat ng pagod ko


kung dadalhin kita sa mundo ko
dadalhin kita sa mga lugar na gusto ko
pupunta tayo ng beach
uupo sa may shore
pagmamasadan natin ang paglubog at pagsikat ng araw
pakikinggan mo ang mga bulong ko
pagmamasdan ko ang mukha mo
kukulitin kita
tapos maririnig ko ang iyong tawa
at sa ganung paraan
mababalot na ako ng saya


gustong gusto kitang dalhin sa mundo ko
gusto kong mahawakan mo lahat ng bagay
na ipipinta ko
gusto kong makita mo lahat ng
kayang abutin ng mga mata ko
gustong gusto kitang dalhin sa mundo ko....
kaya lang, may ibang mundong nauna sayo
at ang pagsama mo sa mundo ko
ay nangangahulugang pag iwan
sa nakasanayan mong paraiso

hindi ko alam kong kaya ko
basta gusto kitang maging masaya
kaya isa lang ang request ko sa kanya
wag na wag nya ng paparamdam sayo
na pangalawa ka lang o pangatlo
sa listahan ng mga mahalaga sa kanya
kasi kapag nakita pa kitang malungkot....


PROMISE di na ko magdadalawang isip
PAPADUKOT kita,
dadalhin na talaga kita sa mundo ko

sana sana maging masaya ka sa dati mong paraiso...
eto lang kasi naisip kong paraan para tulungan ka...
ang maging KAIBIGAN para sayo

No comments:

Post a Comment