Thursday, February 10, 2011

ikaw

ikaw
ang aking musika
ang lahat ng letrang
binibigkas mo
ay tila parang mga liriko
dinuduyan ako
niyayakap
hinahaplos
lahat ng sabihin moy
parang karugtong
ng aking kanta
wagas
at
dalisay


ikaw
ang aking natatanging sandata
may puting sumasabit
sa kulay ng bahaghari
sa tuwing nasa malapit ka
binabalot ako ng pag-ibig mo
tahimik
mapalamuti
makinang
malayo sa gulo
maiguguhit ko
ang isang
masayang mundo

ikaw
ang dalawang milyong piso ko
ang ngiti mo
ang tanging yaman ko
ikaw ang nagpapasaya
sa tuwing kulay dugo
ang buwan at bituin ko
wala akong ibang gusto
kundi ang yakapin ka sa umaga
halikan sa gabi
ikaw ang katumbas
ng lahat ng yaman dito

ikaw
ang buwan
ang araw
ang bituin
ang kalawakan
ang karagatan
ang hangin
ikaw
ang lahat
para sa akin

No comments:

Post a Comment