Monday, August 29, 2011

dearest baby, koks, sweetie, sipunin, ututin, choy

sampung buwan na pero ututin ka pa rin...sipunin pa.

gustong gusto ko pa rin ang tunog ng tawa mo at ang mala beeper na tunog ng utot mo. napapasmile pa rin ako sa konting pagpapacute mo. gumagaan pa rin ang pakiramdam ko kapag hinahawakan mo ang kamay ko. boses mo pa rin ang nagpapakilig sakin. walang nagbago.

ikaw pa rin ang laman ng bawat katha ko.

ikaw pa rin ang nasa kantang terrified, thunder, one night at syempre the way i do.

ikaw pa rin ang larawan ng ideal na pag-ibig.

ikaw pa rin ang bida sa mga panaginip ko.

ikaw pa rin ang nag iisang inspirasyon ko.

marami ng nangyari. binabagyo tayo. sinisipa ng kalendaryo. nagwewelga ang mga pananaw natin...madalas nga may riot pa.


pero

sa sampung buwang magkasama tayo.


isa lang ang alam ko


lahat ng to lilipas din...


PAG-IBIG lang ang hindi


mahal kita ng paulit-ulit


happy monthsary.

status

minsan sinabi mo sakin "mas mahal kita kasi kahit may kapangitan ang ugali mo di pa rin kita kayang iwan". nagblush ako. ang sweet sweet mo kasi. sa sobrang tuwa ko gusto kong ihampas sayo yung laptop sa tabi mo. aliw na aliw ako, gusto ko nga sanang i-send to many at gawing quote yang statement mo. gusto ko din syang i-status sabay like sa FB. ang kyut kyut mo talaga. super. sarap mong kurut kurutin hanggang lumabas yang dugo sa pisngi mo. hanggang pati sipon mo umapaw sa sahig. hanggang sa wala ng liquid na matira sa katawan mo. ganun ko kagustong suklian yang pamatay na statement mo.

sorry, pero medyo bobo kasi ako sa pagdefine ng salitang "love". kaya di ko naappreciate ang statement mo. pakiramdam ko may halong panlalait. kaya bigla bigla din yung paninigkit ng mata ko. pakiramdam ko nabawasan ng 36% ang pagkatao ko. pakiramdam ko may halong galit saka pait. bitter ako ng konti. konti lang, kasi di ko pa naman naisipang kuhanan ka ng ipin para gawing amulet o kaya decoration sa kwarto ko. pampam kasi ko minsan, kaya imbes na sa utak mapunta yung statement mo, dumaan muna sa tuhod ko. tuloy, di kita nagets.

eto naman ang statement ko. pwede mo din syang gawing status sa FB o kaya isend to many. i blog mo pa kung gusto mo.

"hindi totoong mas mahal mo ko, mas mahal kita kasi dati sobrang pangit ng ugali ko, ngayon may kapangitan na lang. yung mga transformations ko, dahil yun sayo"

ako ang unang maglalike kapag ginawa mong status to. promise.

at eto pa.

"mas mahal kita, kasi kahit sobrang baho ng utot mo, ngumingiti pa rin ako"


like.like.like.like.like


hakhak

minsan may isang abnoy

kanina naghihingalo ako. tipong tamad na tamad ako sa buhay ko. kulang na lang mag flat line. akala ko nga di na ko hihinga. binisita kasi ako ng matinding lungkot, may kahalo pang frustrations yun. pakiramdam ko kasi, pagod na ko sa kahahalo ng semento pero di ko pa rin mabuo yung pangarap kong mini condo. yung bang lugar na ideal sakin. yung mundong nakikita ko lang lagi kapag pikit ang mata ko. minsan tuloy naisip kong wag na lang dumilat. kapag gising kasi ako parang lagi din naman akong nakikipagpatayan sa mga sanggano sa kanto. para akong laging nagpupumiglas. hanap ako ng hanap ng sagot sa mga di konkreto kong tanong. ikot ako ng ikot. dead end lagi.

hanggang sa kanina. napangiti ako ng batang parang may make up na uling. bigla na lang sumampa sa jeep, sabay abot ng mga sobre. hingal na hingal habang kinakanta yung baby baby oh ni justin bieber. naisip ko magandang sideline to, kapag sawa na ko sa bpo kukuha lang ako ng kaldero. tatambol tambol ako sa harap ng tao habang nangongolekta ng piso. buhay na ko. di ko na kailangang pumasok ng formal araw araw. dress down ako lagi. wohooooo. ganyan ka liit ang utak ko. susme. si little justin bieber tuwang tuwa habang kinokolekta yung mga barya, tumutulo pa yung sipon. wapakels. pag baba nya, napasmile ako. piso lang kasi gumuhit na yung ngiti sa mukha ng bata. astig.

realization yun para sakin. di ko na kailangan magsolve ng mga komplikadong equation. kapag di ka masaya. gumuhit ka ng rainbow. pag gusto mong magtampisaw sa ulan, pilitin mo ang PAG ASA na humanap ng palapit na bagyo. kapag gusto mong flexible ang pasok mo, mangolekta ka na lang ng memo. kapag nalulungkot ka, maghug ka ng kras mo. kapag badtrip ka, basagin mo ang mukha ng katabi mo. sige lang. di naman pala nakakapagod ang buhay. lalo pa kapag may aninong sumasabay sayo. kapag may isang taong nagkukumpuni ng mga sira sa balunbalunan mo.

lalo na kapag andyan ka...magaan pa rin pala.

kung wala ka kasi baka headline na ko sa dyaryo.

"abnoy nagbigti habang kumakain ng racumin, hawak ang hinostage nyang daga"

kyut sana

ang buhay kapag wala ka
parang ibong maagang nagising
pero walang uod na makain
parang sisiw na nawalay sa inahin
humihikbi sa takot na baka biglang dagitin
parang sanggol na naihi sa kama
gamit ang diaper na mura
parang ampalayang biglang nahinog
kulubot na'y bigla pang nahulog
parang isdang nabingwit
nawakasan ang buhay ng di sinasadyang masabit
parang aswang na di mapakali
walang mabiktima, walang mahuli
parang negrong gustong pumuti
pero di nya mahanap ang susi
parang kalbong atat magkabuhok
lahat ididikit kahit na palabok
parang mug na na-crack
wala ng gustong humawak

ang buhay kapag wala ka
parang AKO...

sa gitna ng bahang kalsada
sa gitna ng badtrip na ulan
habang hawak ang payong
na nabili ko sa halagang singkwenta

pero kung andun ka...
kahit magtampisaw pa tayo sa baha





ang kyut pa din



ikaw at ang mahalay na sanaysay ko

sa tuwing nagsusulat ako, naibibida kita sa mundo. ikaw ang paborito kong subject. malaya kong nasasabi ang mga nararamdaman ko. walang kokontra. walang eeksena. tuloy tuloy lang. eto ang tanging paraan ko para ipabatid sayo ang mga mensaheng bukod sa medyo may kalumaan ng istilo at may palabok pang kakornihan. wala akong pakialam kung di tama ang punctuations ko. ang mahalaga. naiintindihan mo ako. wala akong pakialam kong di makuha ng iba. di naman para sa kanila ang isinusulat ko. exclusive to sayo.

hindi kagaya ng mga pintor, di ako marunong gumuhit. smiley lang ang kaya ko. minsan tingting na tao. minsan naman sungay. o kaya ilong ng katabi ko. mga ganung larawan lang ang kaya kong ipinta. pero sa pagsulat, ikaw ang perpektong mukha ng pag ibig. ikaw ang bituin, ikaw din ang dagat. ikaw ang pantasya ng mga grade 1. ikaw ang iniidolo ni angel locsin. ikaw ang front page sa lahat ng magazine. ikaw ang larawan ng pag-asa, ng tagumpay...ng bukas.

hindi rin ako marunong sumayaw. parehong kaliwa ang paa ko.di kita kayang sabayan sa disco. di tayo pwedeng magbreak dance kapag gusto mo. pero sa pamamagitan ng pagsulat, mapapagalaw ko ang mga paa ko. matatalbugan ko yang mga dance icons na yan. mawawala ang supah dance churva. magkakaron tayo ng biglaang fans club. pipirma tayo ng madamihang autograph. paghahandaan natin ang ating pagsikat.


lalo namang wala akong talent sa pagkanta. sabi nga tunog bronze daw ang boses ko. may mangilan ngilan pang nagsabing panay kahol lang ang alam ko. pero malikhain ang mga tula ko, may laman ang bawat kwento ko. pwede kong matabunan ang boses ni mariah carey. pwede kong makuha ang grand title sa star in amillion. pwede pa kong magcompete sa labas ng bansa. sa gilid ng spratley. sa gitna ng dagat. o kahit sa taas ng bundok. sa paraan ng pagsusulat, maiaalay ko sayo ang isang wagas na liriko.

di ako talentadong tao. pagsulat lang ang kaya ko. pero sa pamamagitan ng mga letra ko, maiuukit ko ang mga letrang bubuo sa salitang I LOVE YOU.

at yun ang mahalaga.