Tuesday, February 15, 2011

kape at gatas

si kikoy at kikay parang kape at gatas daw
maitim si kikoy
maputi si kikay
sa pananamit magkaiba din
simple si kikoy
mejo maarte si kikay
pero pareho sila maganda (ang kokontra pangit!lol)

personality wise, magkaiba parin
si kikoy totoy bibo
si kikay tahimik at seryoso
malumanay magsalita si kikay
magaspang naman magsalita si kikoy
pero sa kabaitan, walang tatalo sa magkaibigan (oh yeah!)

magkaiba man sa halos lahat ng bagay
pareho silang mahilig magsulat
si kikoy magaling gumawa ng tula at short stories
si kikay naman free-style writing ang trip
at parang kape at gatas
magkaiba man ang itsura at lasa
paghinalo maganda ang resulta. (wink!)

2 comments: