Monday, February 7, 2011

oh dear everything.

dear math,
nag iisip ako
nagbibilang
isa dalawa tatlo
lagpas na ng walo
wala pa ring sumasakto
pano ko ba isusulat
ang salitang "love"
gamit ang mga numero
o kaya equation
may tama kayang computation
formula?
o equation?
baka magkulang o kaya sumobra?
subukan ko kaya ang algebra?
trigonometry kaya?
o kaya stat
i-apply ko kaya ang ratio?
proportion siguro?
huwaw, ang gulo
ano kaya ang tamang equivalent mo?
kung ang x ay katumbas mo?
anong letra kaya ako?


dear science,
kung may scientific name
para sayo
ano naman kaya ang ibibigay ko?
kung pwede kang i-disect
san ako magsisimula?
sa paa? sa ulo?
tatanggalin ko kaya pati mata?
ayoko.
pangit pag wala kang mata
pano mo ko makikita?
pero gusto kitang i-disect
gusto kong siguraduhing
nasa tamang pwesto
ang mga organs mo
tapos tatahiin ko na lang ulit
kunwari lang naman
try natin
ayoko
hindi maganda ang stitches
wag na lang
kung parte ka ng agham
sana astrology na lang
malay mo maexplain mo sakin
kung bakit may stars sa kalawakan
kung bakit sila nagpapcute
kapag tumitingin ako
kung bakit ako nakyukyutan
sayo
ay mali
hindi ka nga pala star
kasi ikaw mismo ang kalawakan

dear history
kung parte ka ng nakaraan
san kaya kita unang makikita?
sa panahon ni rizal?
wag naman
hindi ko afford mag time travel
sa panahon ni dolphy?
wag. ayoko din
so pano kaya talaga
kung parte ka ng nakaraan?
sipagin kaya akong mag-aral?
malamang
kasi ang saya mong i-discover
ang saya mong imemorize
kaya lang di ko alam
kung sang parte ka ng nakaraan
pwedeng ilagay
ayoko talaga
hahanapin ka kasi ng kasalukyan

dear recess
ayan dito baka bagay tayo
walang computation
walang memorization
walang ida-disect
walang scientific names
puro pagkain lang
fries
cheese burger
spaghetti
coke sakto
pwede ring ice buko
o kahit na ano
kaya lang
mahihirapan pa rin ako
kung pano ko sasabihin
ang salitang "i heart you"
gamit ang recess
bibili kaya ako ng tatlong siomai?
tatlong cream-o?
pitong big 250?
malabo parin
baka malito ka
baka malito ako
baka magkawalaan tayo

so ganito na lang
sa math
ganito ang equation ko
kung ikaw ang X
sasagutin kita ng "y"?
kasi bobo lang
ang magmamark ng "X" sayo
kasi di nila masosolve ang puzzle
ng wala ka. lugi sila

sa science
ikaw na lang si newton
law of gravity
ang pasisikatin mo
kasi ikaw ang dahilan
kung bakit ako na fall
ano namn kung korni?
basta ikaw si newton
tapos.

sa history
ikaw ang magpupunit ng cedula
kasi sa totoong buhay
ikaw naman ang dahilan
king bakit nahabol ko ang kalayaan
kung bakit masaya ako
kung bakit ako ay ako


dear you,
wala naman
gusto ko lang sabihing
ikaw ang paboritong subject ko

No comments:

Post a Comment