Wednesday, August 29, 2012

till i lose control





pwede bang i-tease mo ulit ako?
yung parang walang nagbago
yung tipong nagsisimula pa lang tayo
kinikilala pa lang kita
kinakabisa mo palang yung bawat galaw ko
yung di ko pa alam ang amoy ng pabango mo
hindi mo pa masundan ang musika ko
babalik tayo sa dati
bibiruin kita
ngingiti ka
kikindatan mo ko
kikiligin ako
tatapikin kita sa balikat
tutugon ka na parang manyak
maghoholding hands tayo ng patago
magsusulatan
magkukulitan
tapos
ayan na
buo na araw mo
niyakap na ko ng mundo
dalawa tayo
in love
masaya

dati

maibabalik pa naman yun di ba?

pwede bang i-tease mo ulit ako?
ibahin lang natin ng konti yung ngayon
baguhin natin yung tugtog
bagalan natin ng konti
hayaan nating isayaw tayo ng hangin
hanggang sa magbulungan ulit
yung mga hearts natin
hahawakan ko ulit ang kamay mo
yayakapin mo ako pabalik sayo
magsisimula tayo ng panibago
ikaw
ako
yung love na meron ka
yung sweetness na kaya ko
pagsamahin ulit natin
kahit wala ng ibang elemento

sapat na yun
ikaw
ako

pwede bang i-tease ulit kita?
ngayon na?

mahal kita
pag nawala ka
ilang bilyong luha
ang katumbas mo

mahal kita
mundo
sa paraiso

Tuesday, August 28, 2012

am i not worth every fall?

Ang gusto ko lang naman, sampung minutong oras mo para sabayan akong kumain. Kahit nga limang minuto lang. Maramdaman ko lang na may kasama pa ko. Na adyan ka pa. na pwede mo kong hawakan. Tapikin kapag nabibilaukan. Sampung minuto lang. Yung masaya tayo. Yung hindi mo ipaparamdam sakin na kulang ako. Na kalahati lang ang happiness na maibibigay ko. Na ¼ lang ako kumpara sa mga taong minsang sumayaw sa mundo mo. Na ako ang nasa gitnang kulay ng bahaghari mo. Hindi ako yung “best” hindi rin ako yung huling tatatak. Gitna lang. Walang appeal. Hindi mamarka. Gusto ko lang naman kahit tatlumpong segundo, maglandian tayo. Ifliflirt kita, gaganti ka. Gusto kong sabay nating maramdamang may spark pa. Hindi yung ako lang ang naniniwalang meron pa. Ang gusto ko lang hawakan mo yung kamay ko tulad ng dati. Yung konting dampi lang, magke-curve na agad yung ngiti. Yung walang pilitan. Yung hindi peke. Yung kusang binibigay. Kung pwede ko nga lang balikan yung nakaraan tapos tabunan na lang yung kasalukuyan. Kung kaya ko nga lang isulat na ang hinaharap. Mauuwi tayo sa masaya. Hindi ganito. Magkabilang mundo. Para akong batang naghihintay ng paputok sa panahon ng tag ulan. Umaasa. Aasa. Asa.