Thursday, February 10, 2011

idrawing mo na lang si sir

simula pag upo ko
at pag on ng cpu
di nagbago ang mukha mo
suplada pa rin
walang kibo
pilit ang tawa
ang sakit mo kaya sa panga

buti na lang pumatak ang ala una
breaktime na
sa seven eleven ko unang narining
ang malademonyo mong tawa
ang sarap pala sa pakiramdam
ang pangit mo kasi pag seryoso ka
di naman kita nilalait
gusto ko lang ngayon mangulit
o sige ganito na lang
mas maganda kasi
pag nakasmile ka

smile lang ng smile
wag mong intindihin
ang mga tao dito
di naman sila
ang nagpapasweldo sayo
wag mo ding intindihin si big boss
madadala yan sa konting pacute
use your charm kasi
ang stress patong mo lang sa desk mo
wag sa buong katawan mo


wala lang...

masaya ako pag madami kang tawa

No comments:

Post a Comment