Wednesday, February 23, 2011

pa-blog

kahapon naisip kong itigil na lang ang pagbablog. gagawa na lang ako ng diary tapos dun ko isusulat lahat ng nararamdaman ko. dun ko itsitsismis yung nakakagigil kong dreams. dun ako magcoconfess ng mga nakakapangilabot na sekreto. dun ko i-vavandal yung mga salitang "I LOVE YOU". dun din ako bubulong kapag nauutot ako, o kaya kapag nakakaramdam ako ng call of nature. di ako alam. basta kahapon naramdaman ko na nakakainis magblog. siguro kasi, ayoko ng may nag didisagree sa mga sentiments ko. di ko naman sinabing lahat ng sinusulat ko tama, kaya lang yun ang mga nararamdaman ko. yun ang mga bagay na gusto kong isulat. opinyon ko yun. lahat yun di ko ninakaw. akin yun. salita ko yun. at wala namang pwedeng magsabo sakin na wala akong basehan, kasi para sakin sapat ng basehan ang mga weird na nararamdaman ko.

minsan tuloy ayoko ng magsulat kasi may mga pagkakataong namimisinterpret ako. di ako magaling sa explanations. bobo ako dun. lagi akong nauutal. kaya kapag tatanungin ako kung bakit ganun ang mga sinulat ko, mag prepretend na lang akong mongoloid. maglalaway na lang ako. ayoko kasi mag explain. nakakatamad.

atleast kung mag da-diary ako, wala ng clarifications, justifications, etc. ako ang bida sa lahat ng pahina. pwede kong ipagyabang na may crush sakin si john lloyd. walang kokontra. sarili ko lang.

kaya lang naisip ko, pangit kapag may sarili akong mundo. mas maganda pa din kong may mga critics sa paligid ko. dun ako lalakas. dun ako mag ii-strive. sabi nga ng taong kalahati ng pagkatao ko "di sa lahat ng bagay, bibigyan ka ng malaking OO ng mga tao sa tabi mo". di naman pala kasi ko all knowing. kaya sige. never mind. makakalimutin pa naman ako. baka mawala ko ang diary, malaman pa ng katabi ko, na ako ang nag gupit ng buhok nya habang tulog sya. haha

2 comments: