Monday, February 7, 2011

pitong araw bago ang hearts day

pitong araw bago ang hearts day

ang dami ko nanamang makikitang karatula
3 for 350
buy one take one
dinner for two
minsan pa nga 50 percent discount dito
8 hours promo (haha)
medyo nakakahilo
wala naman kasi talaga akong malaking plano

pakiramdam ko kasi
di naman kailangan ang bulaklak
para magkaroon ng palamuti ang araw ko
o ang araw mo
o kaya araw nyo
at lalong di petals ang makakapagpasaya sayo
hindi rin kotse
lalong hindi lote
kaya hindi ako bibili
ng kahit anong regalo
kahit pa sabihin nilang
tatlo dalawang piso ang presyo
o kaya buy one take all
kanila na lang yun

wala din akong balak magsabi ng "i heart you"
luma na kasi yun
malamang lahat ng creatures dito
yan ang sasabihin
isusulat sa card
itetext sa nakararami
iboblog?
hindi rin
madami ng gagawa nun
hindi talaga ako magsasabi ng "i love you"
o "i heart you"
"mahal kita'
o kahit anong salitang
katumbas ng "mahal"

sorry pero di mo marrinig yun sakin
sa hearts day

wala din akong balak
samahan ka sa lugar na gusto mo
di tayo kakain sa labas
wala ding picnic
walang blanket
di ka lalakad sa red carpet
di ka magbubukas ng wine
hindi kita susubuan ng ubas
at lalong hindi ka sasakay sa jumbo jet
o hot air balloon
o kahit sa big kite

sorry pero hindi ganun
ang ideal date ko

pitong araw bago ang hearts day

hindi pa ganun kaayos yung plano
bukas naman ako magkwewento

No comments:

Post a Comment