Thursday, February 10, 2011

para kay secret crush

para sayo to

hindi ko na mabilang
kung ilang beses mo akong tinawanan
at tinawag sa kung anu-anong pangalan
suplada
antipatika
manyak
sira ulo
engot
gaga
retarded
baliw
malamang sa dami ng pangalang nasambit ko
nakalimutan mo na kung alin dito ang totoo

para sayo to

kahit ilang beses mong guluhin ang utak ko
kahit minsan para na akong tanga
sa kakangiti ng mag isa sa pwesto ko
kahit ilang beses akong natutulala
sa kaka imagine sa mukha mo
kahit paulit ulit kong
binibigkas yung lyrics ng kantang
sa tingin ko bagay sayo
wala akong pakialam
nasa demokratikong bansa naman tayo
kahit baliw may human rights pa din

para sayo to

sa dinami dami
ng naging kamalasan ko
kalahati ng mga yun , dulot mo
at sa dinami dami ng pagkakataong
napapatitig ako sayo
at nagkakasabay tayo
may mga bagay pa rin akong
hindi masabi sabi sayo
hayaan mo
kapag naisip kong mag entrance exam sa Law
hindi mga letra ng tamang sagot ang mamarkahan ko
wala din akong ibang isusulat
kundi malalaking letra
na kokompleto sa pangalan mo
at may bonus pang “i love you”


para sayo to

wag mo na akong supladahan ulit
wag mo na rin akong
tawagin sa kung anu-anong pangalan
isa lang naman ang gusto ko
yun ay ang malaman mo
na ikaw ang secret crush ko
hindi na rin kita tatawaging
powerpuffgirl at momay
hindi na ako mag i-stat
ng mga kung anu-ano
hindi mo kasi naiintindihan
nagpapansin lang talaga ako
para kahit papano malaman mo
ang mga nasa isip ko
hindi para tawagin mo akong sira-ulo


para sayo to

ngayon alam mo na

No comments:

Post a Comment