Thursday, February 10, 2011

mag isa daw oh

gusto mong mag isa
para makapag isip
timbangin ang mga bagay bagay
magbilang ng sampung tama
benteng mali
sa huli maisip mo kaya
na wala naman talagang tama at mali
salita lang yan
kaligayahan mo pa rin ang mas mahalaga
gusto mong mag-isa
pero gusto kong samahan ka

gusto mong mag isa
kasi sabi mo ayaw mong makasakit
ayaw mo ng may umiiyak
ayaw mo ng may nalulungkot
kaya bigla mo na lang naisip
na ikulong ang sarili mo...
sa mundong di kayang pasukin
ng mga taong nagmamahal sayo
okay fine gusto mong mag-isa
pero sorry, gusto kong sumama

gusto mong mag isa
yan ang sabi mo kanina
at syempre
nawalan na naman ako ng boses
para na namang may bato sa lalamunan ko
para na namang gumuho ang mundo ko
kapag kasi hinayaan kitang mag-isa
baka malibang ka sa mall
baka tumira ka sa sinehan
baka makatulog ka sa taxi
baka maligaw ka
gusto mong mag-isa
sige pero please hayaan mong tingnan kita

No comments:

Post a Comment