Thursday, February 10, 2011

one seat apart

Ice cream cake para kay one seat apart

Napadaan kasi ako kanina sa isang ice cream stand
Nakita ko na may cake silang tsokolate
Naisip kita
Nung Friday kasi
Pakiramdam ko malungkot ka
Pero kanina naman pagpasok mo
Nakita ko nang may ngiti na sayong mata

Natawa na lang tuloy ako
Wala na ata sa timing
Wish ko na lang di ka na kumakahol
O kaya sinisipon
Pero habang ginagawa ko to
Ilang second lang
Narinig ko na ang iyong pag ubo
Kaya di ko tuloy alam kung ibibigay ko pa sayo
Ang ice cream cake na nilagay ko sa ref

Pero sige na nga
Isipin mo na lang
Gusto ko kasi bukas absent ka
Joke lang
Pano ko ba sasabihin
Gusto sana kitang pasayahin
Kaso okay ka na naman nga
Di bale isipin mo na lang…


NAISIP KITA…

Nasa ref yung ice cream cake, hinihintay ka.

No comments:

Post a Comment