Thursday, February 10, 2011

bilog nga

sabi nung isa kong kaibigan ang kuleeet daw ng mundo. ang dami kasing mga tanong na hindi mo mahanapan ng kasagutan. yung tipong pawis na pwais ka na bago mo masagot. madami din namang sasagot sayo kahit wala ka namang tinatanong. makuleet nga.

kahapon, may nadaanan akong libing. iyak ng iyak yung pamilya nung namatay. sabi ng mga anak ang bait bait daw kasi ng tatay nila. walang bisyo. hindi marunong magsugal, uminom at manigarilyo. babae lang ang libangan. pero bakit sya pa yung kinuha kaagad. ba't di na lang daw si erap o kaya yung mga nag aadik sa may kanto nila. natigilan ako, naisip ko yung kaibigan ko. makulit talaga ang mundo.

habang nagbabasa naman ako ng mga nakasulat dito sa tristan. natawa na lang ako. madami kasi ang broken hearted. madami ding mga linyang "mahal ko sya pero bakit nya ako iniwan?", "bakit di pa rin kita makalimutan", tapos isama mo pa yung walang kamatayang "kahit anong sabihin mo, andito pa rin ako, hihintayin lang kita". pag nababasa ko ang mga linyang ito, gusto kong gawan ng permanenteng sumpa yung mga taong tinutukoy ng mga nagpopost dito. kaso naisip ko din naman, hindi rin nila kasalanan kung bakit may mga umiiyak na tao. minsan din umiyak rin naman sila. wala nga lang nakabasa.

may mga bagay pala na gustong gusto mong tingnan pero hindi mo pwedeng hawakan at hindi mo rin pwedeng lapitan. pwede mo lang mahalin pero hindi ka pwede maghintay na masusuklian ka. tamang hintay ka lang. tamang emo. ang kulit nga nga mundo.


bilog nga ba talaga ito?


minsan kasi naisip ko baka naman parisukat




ang dami kasing gilid



minsan nakakalito

No comments:

Post a Comment