Monday, February 7, 2011

hilaw na superhero

gusto kong maging super hero sayo
iiwas kita sa lahat ng masamang elemento
ilalayo sa kahit anong peligro
at higit, papawiin ko ang pait ng nakaraan mo

gusto kong maging super hero sayo
dadalhin kita sa lugar na di mo na kailangang tumawid
papakita ang ganda ng paligid
yayakapin ng mahigpit sa himpapawid

gusto kong maging super hero sayo
ililigtas kita sa kahit anong bullet
ipagtatanggol sa kahit sinong makulit
shi-shield kita sa paraang sulit na sulit

gusto kong maging super hero sayo
di ako mawawala sa tabi mo
i-kikiss kita sa lahat ng iyong panaginip
babantayan maging segundo o minuto mong pag-idlip

basta gusto kong maging super hero mo...
at kahit anong kahinaan ko
kryptonite man o kahit anong bato
pipilitin kong maging malakas para sayo

gusto kong maging super hero sayo
para kahit gaano man kadami ang tao
o kahit gaano man kalaki ang mundo
ako at ako pa din ang tanging tutugon sa sigaw mo

gusto kong maging super hero sayo...
sa kahit anong paraan...sa kahit sinong katauhan...
gusto ko dibdib ko ang sasalo
sa lahat ng sakit na mararamdaman mo

gusto kong maging super hero sayo
ngayon
bukas
next month
next year
sa kahit anong panahon
oras
lugar
para sayo



AKO.



tula bago matapos ang araw...masaya ako na kasama kita sa tatalong buwang byahe ko. magbibilang ako, hanggang sa di ko na maaalala ang huling numero. gusto ko ikaw at ikaw pa rin ang kasama ko.

i heart you

No comments:

Post a Comment