Thursday, February 10, 2011

nagdaang apat na buwan

paano ko ba ilalarawan

yung nagdaaang apat na buwan?

magsisimula ako sa kulay

paghahaluin ko ang purple at yellow

ang finish product "TAYO"

parang di bagay, no?

isang matingkad at mapusyaw

kung sa damit

baduy kapag tinerno

kung sa coloring book naman

parang di sasakto

sasakit ang mata

ng lahat ng sisilip dito

kung sa pagkain

parang di rin mapapansin

kamote at saging

di ka matatakam pag inihain

so pano?

nagagalit ka na sa description ko

relax lang

may gustong sabihin ang keyboard ko



totoo para kang isang kulay

"purple" kasi yan ang yong paborito

at ang nagdaang apat na buwan?

kasing tingkad ng kulay na to

ang daming nangyari

bumagyo

bumaha

biglang humupa

tapos bumagyo ulit

may nakitampisaw

may mga nakisilip

may pumito

may sumenyas ng foul

may mga nambato

pero tingan mo

eto tayo

ikaw tapos ako

nakatayo pa rin naman

kamay ko pa rin

ang hawak mo

kamay mo pa rin

ang nagpupunas ng luha ko



ikaw at ang kulay na to

ang umayos ng mundo ko

pakonti konti kasi

nailalagay ko na sa diksyunaryo

ang mga salitang kagaya neto:

"sensible" at "trust"

saka may isa pa

"love"

di ko masyadong madefine

pero alam ko na kapag

pinaghalo ang ikaw at ako

lilitaw ang salitang to



ang daming nabago sakin

pananaw ko?

mas naging malawak

yuing mga evil sides ko?

syempre kumonti

marunong na kong magreflect

yumuko

umamin ng pagkakamali

magsabi ng "thank you"

ipagsigawan ang "i heart you"

lahat ng to, utang ko sayo



ang nagdaang apat na buwan

hindi madali

pero tingnan mo

eto tayo oh

MASAYA



di kompleto kapag wala ka

sabi ng maalikabok na keyboard ko



at ang bago kong equation



ikaw + ako

kapag kinalculate

lilitaw ang salitang

TAYO



oo tayo ang bida sa nagdaang

apat na buwan

hindi sila

No comments:

Post a Comment