Friday, February 18, 2011

period.

naniniwala ako na parte ng nagconstruct sa pagkatao mo ay ang NAKARAAN mo. naitayo at nagiba ang mansyon ko ng dahil sa mga taong naghalo ng ibat-ibang semento. kung ano man ang natira sakin. utang ko yun sa kanila.

sorry kung may mga pagkakataong di ko mabigyan ng justifications ang lahat ng galaw ko. mahina ako sa explanations. alam mo yan. nauutal ako kapag nagtatanong ka. pakiramdam ko kasi para akong nasa isang masikip na kwarto. tapos may patay sinding ilaw na nagswe-sway sway pa. sorry.

pero ganito yun. di lahat ng NAKARAAN mo pwede mong ilagay sa lumang kahon. di ganun. hindi simple yun. sabi nga "lahat ng nakaraan mo, parang mga anino". susunod at susunod sila sayo. kasi di naman nakaprogram ang utak natin. di ako pwedeng mag hide ng mga memories. di naman to computer. di ako pwedeng magdelete. may mga masasaya, may mga malulungkot. nandun lahat yun.

kapag ba may lumang tao sa buhay mo na nag extend ng dalawang kamay nila, di mo aabutin? tao tayo. lalo sa kaso ko, maawain ako. malambot.

hindi ko to sinulat, para takpan lahat ng pagkakamali ko. sinulat ko to para sabihin sayo na may mga taong parte ng NAKARAAN ko. uulitin ko...PARTE ng NAKARAAN ko. di na dapat nagiging MALAKING issue to. sabi ko nga "PARTE" sila ng "NAKARAAN" ko.

ikaw ang "KABUUAN" at "KASALUKUYAN" ko.

period.

period.

period.

No comments:

Post a Comment