Monday, February 7, 2011

do the math

gaano ako kainlove sayo?
ganito
visualize mo
parang earthquake, magnitude 8
pwede ng gumuho ang dibdib ko
pwede ng magpira piraso
sa sobrang tindi
anytime pwede akong mag explode
nakamamatay
pero sisiguraduhin kong
wala kang dapat ikatakot
ligtas ka...
kaya kang i-shield ng sinasabi kong love

gaano ako kainlove sayo?
ganito
visualize mo
para syang tidal wave
hindi lang sya basta alon
kundi malalaking alon
kaya kang dalhin palapit sakin
kaya akong tangayin
patungo sa kinatatayuan mo
dadalhin tayo sa ligtas na pwesto
kaya nitong pahirin
lahat ng luha mo
kaya kang yakapin
kapag galit ang mundo

gaano nga ba ako kainlove sayo
ganito
visulaize mo
para syang fart
"its a natural thing"
di mo mapipigil
may cute na sounds
may maappeal na amoy
kaya nitong galitin
ang dalawang daang tao
sa loob ng mrt
o sa loob ng kwartong to
at wala akong pakialam
kung magalit ang presidente sakin
kailangan kong i-utot to
kung hindi
baka sumabog ako

gaano ako kainlove sayo?
akalain mong nag google pa ko
tungkol sa earthquake, tidal wave at fart
susme.

inlove at mananatiling inlove ako sayo. yun lang yun.

No comments:

Post a Comment