Monday, February 7, 2011

moestifer

sorry na...
kanina nahampas kita ng suklay
kahit di masakit bigla kang umaray
tapos nawala ka sa mood
sinabayan ko din ng dabog
dapat pala niyakap na lang kita
dapat sa halip na gantihan ka
nagpacute na lang ako
o kaya tumambling
o gumawa ng kahit anong way ng pag-aliw
dapat pala kapag mainit ang ulo mo
ngiti na lang ang itutugon ko
di dapat ako sumisimangot
para di ka nababagot
sorry na, mali ako

sorry na...
kanina habang kumakain
nagmaktol ako
kasi biniro mo ko
sabi mo kasi may crush ka
at pinangalanan mo pa
alam mo namang
di ko gusto si pulis pangkalawakan
nawala na naman ako sa mood
dapat pala hinawakan ko na lang yung kamay mo
dapat sinabi ko na lang na "i heart you"
naisip ko tuloy unfair ako
kasi ako nga may crush din
pero dahil sa nangyari
wala na akong ibang crush
ikaw na lang
ikaw na ang ultimate ang irreplaceable crush ko
wala ng kahit sino
ikaw lang. wala na
sorry ulit. mali ako.

sorry na...
kanina nung sinabi mong
pupunta ka sa JRU
nabadtrip ako
importante nga pala yun
sorry na, inuna ko na naman
ang sarili ko
dapat pala, nagvolunteer agad ako
nagtaas ng kamay
nagpabibo
dapat kusa akong sasama
kasi kapag ako naman ang may lakad
hinihintay mo ko, kahit ang pagod mo, sagad
pag nag oot ako
wala kang reklamo
kapag mabagal akong kumilos
nagssmile ka pa
nagpapacute
tapos ako
maktol ng maktol
parang laging humihithit ng katol
sorry na talaga. mali ako

sa isang araw
dami kong atraso
nagreflect naman ako
mali talaga ako
sorry na...
di ko na ulit kakalimutan
na sa mundo ko
ikaw dapat ang number 1
kasi ikaw ang christmas light
sa madilim na lungga ko
ang paputok sa dream land
ang maliliit na heart sa bakanting lote ko
ang arko saking bahay kubo
ang mga ngiti sa mukha ko
ikaw ang missing piece sa puzzle
ikaw ang sagot sa riddle
ikaw...

ang lahat para sakin.

sorry na ha.
bati na tayo

No comments:

Post a Comment