Monday, February 7, 2011

cityville

sana isa ka na lang sa mga citizens ng cityville ko. para namomonitor ko kung happy ka, kung very sad, kung unhappy. tapos di ako titigil sa kakatayo ng mga community buildings.o kaya sa kakalagay ng mga negosyo. di rin ako titigil sa kakatanim. lahat gagawin ko para makita ko na masaya ka. di kita kokolektahan ng rental fee. mag lalagay ako ng mga decorations sa may bahay mo. di ako tatanggap ng tulong ng iba. gusto ko ako mismo ang magpapaganda ng paligid mo. lalagyan ko ng pananim ang bakuran mo. maglalagay ako ng papaya, ng santol, o kahit imposible ang ubas. lalagyan ko na rin. basta gusto ko makita ko yung salitang "MASAYA NA SYA"...masayang masaya.

sana ako na lang ang gagawa ng sarili mong mundo. parang sa cityville lang. sisiguraduhin kong kahit di ako maging mayor, may masaya at makulay kang mundong pwedeng pagtampisawan. lilimitahan ko lang ang numero ng tenants. mga TRUE friends mo lang ang maninirahan. kahit di ako magkaron ng magandang reputation. wala akong pakialam. kahit di na ko makakuha ng XP. kahit mastuck ako sa level 13. basta dapat cute ang lifestyle mo. pauulanan kita ng snow. magiging masaya ka.

pero walang cityville sa totoong buhay. hindi ako pwedeng mag click lang ng click. magtanim ng magtanim. humingi ng regalo o ng saklolo. nasa isang malawak na mundo tayo.may mga pampagulo sa kanto. sa gilid, may mga tsismosa. sa taas may manyak. sa likod may snatcher. hindi sa lahat ng pagkakataon maproprotektahan kita. wala kasi akong super powers. pero may "lovely heart" ako. yun ang gagamitin ko. para maitayo kita ng kahit di kasing taas ng PBCOM na building. maitatayo kita ng safe na lugar. kung may balang lulusot. sisiguraduhin ko na lang na sa akin na lang tatagos. magiging safe ka.

di perfect ang mundo. alam mo yan. masusugatan ka. masusugatan ako. ganun yun.

di ko kayang ilagay ang cityville sa mundo mo. igagawa na lang kita ng mas simple...mundo na nandun ka, nadun ako.

No comments:

Post a Comment