Tuesday, February 15, 2011

last stop.

eto ang first tagalog post ko.
sabi mo kasi mas sweet pag nagta-tagalog ako.
kahit nosebleed ang inabot ko,
okay lang basta para sayo. : w i n k :

kahapon simangot ang hapunan natin,
luha ang midnight snack at pasakit ang almusal.
katahimikan ang bumalot sa paligid nating masayahin.
sabi mo sakin biglang nagkaroon ng sungay
ang mala-anghel kong mukha. (well what can i say?lol)
siguro nga nag transform ako nung gabing yun.
ikaw din nag transform.
biglang bumait ang anyo mong nakaka-badtrip. :evil laugh:

sa bigat ng naramdaman
puso't isipan ay nagdaramdam.
maaga akong nagising
at di na ulit dumapo ang antok sakin.

pinagmasdan kita sa mahimbing mong pagtulog.
ang ganda ng view, parang paraiso.
ang peaceful ng mukha mo;
di halata ang eyebugs na mas malaki pa sa mata mo.
natutuwa ako sa eyballs mong malikot
at sa labi mong mapang-akit;
hinihele ako sa iba't ibang tono ng iyong hilik.

habang ako'y nakatingin sa magandang tanawin,
gumaan ang pakiramdam ko at gusto na lang kitang yakapin.
sa dinami-dami ng mga bagay sa mundo na di ko kayang intindihin,
isang bagay lang ang malinaw sakin...




MAHAL KITA, sobra.




ano mang bagyong dumating satin, basta hawak ko ang kamay mo, patutumbahin ko.
ikaw na LAST STOP ko. sana ako na din sayo.
: b l u s h :


- laughtrip mode ON -

2 comments: