Thursday, February 17, 2011

ako at ang jurassic na building

hala pano ko idedescribe?
two words?
3 syllables?
di ko alam
pero sige pa try
may parang mini aquarium
parang sa movie
parang porn
may aircon ding
tumutulo paminsan minsan
may CR na parang fire exit
may bonus pang mga nangangalabit
may pantry na parang
meeting room kapag may unyon
may mga libreng biscuits
kape, juice, creamer
at eto malupit
slice bread na nasusungkit

may boss na kuripot
xmas party na pilit
bonus na parang hindi bonus
13th month na the best
tatlong araw bago magpasko
kung isabit
meron ding mga kanang kamay
kaliwang paa
meron ding ginagawang ispiya
may tsismis sa paligid
nakakatunaw ng gilagid
huwan san ka pa?

may mga regular na nalalay off
mga magagaling
pero di naman umaasenso
may mga walang choice
kundi makuntento
may kaliwat kanang reklamo
may nantitrip
may mga nang aagaw ng trip
nakalimutan ko
may paraffle nga din pala
central processing unit
kaw na bahala magnakaw
ng mga ikakabit

pero sabi nga di naman lahat negative
sa jurassic na bulding na to
may mga nakilala akong
mga mabubuting tao
andyan si OW
misinterpreted? oo
pero eto sinasabi ko
may kabutihan rin naman sa heart neto
kailangan mo nga lang hukayin. haha
andyan din naman si LEAH
maliit kala mo stiff
pero lalambot din
kapag sinubukan mong magpasweet
meron ding hearthrob na CIELO
charming, parang modelo
oh naks, bayad ko? (lol)
may bagong kilalang JO
kala mo demonyo
pero yun pala
may golden heart din
kwela't matulungin
may alambring nakakaaliw
andyan din naman si ATE LEAH
kapag kasama mo ligtas ka
dyan si DANA
na parang laging may bitbit na kamera
ang tsismis kanina
samin ang broadcast (lol)
at syempre makakalimutan ko ba?
dyan si seksi TL faye
mahaba ang pasensya
understanding kapag may inaantok
peace loving
advocate ng "war on waste"

bakit nga ba ko nasa jurassic na building na to?

wala lang...

di ako naaalis dito hanggang di ako napropromote. haha

No comments:

Post a Comment