naalala ko hindi ko na nga pala napapalitan ang friendster lay out ko
isang taon na atang tumatambay dun yung nakatumbang pulang kabayo
hindi ko rin alam kung mabubuksan ko pa ba ang account ko dito
nalulungkot kasi ako kapag nakikita ko yung isang daang mensahe mo
naalala ko yung linya mo sa akin nuong nakaraang taon
hangang ngayon gumuguhit pa rin ang mga letra sa aking isipan
at ang musikang iniwan mo'y naging isang malawak na palaisipan
tinatanaw pa rin kita sa malayo, ikaw at ang iyong palatandaan
naalala ko rin kung paano mo inalog ang aking mundo
dati ayoko nang gumagalaw, gusto ko lang maging kuntento
ayoko din ng hinahampas ng hangin, napipigil ang aking pagtakbo
kaya naiinis ako kasi nung dumaan ka, bigla akong napahinto
at naalala ko ulit ang kantang SOBER
pati na ang huling linyang binasag mo
"hindi ako mawawala, kailangan ko lang tumawid"
dalawang araw na lang
dadalaw na naman ako
sa puntod mo
liriko:
And I don't know
This could break my heart or save me
Nothing's real
Until you let go completely
So here I go with all my thoughts
I've been saving
So here I go with all my fears weighing on me
Three months and I'm still sober
Picked all my weeds but kept the flowers
But I know it's never really over
And I don't knowI could crash and burn but maybe
At the end of this road I might catch a glimpse of me
Three months and I'm still breathing
Been a long road since those hands I left my tears in
but I knowIt's never really over, no
ay hindi mo lang basta maririnig kundi makikita mo pa sa newsfeed. dahil ang ordinaryong salitang I LOVE YOU - palalawakin hanggang mai-like mo
Thursday, October 29, 2009
Tuesday, October 27, 2009
isang linggong dedmahan
Lunes
masama ang pakiramdam ko
pinilit ko ang sarili ko para makita ka
nakatayo ka, walang guhit ng pag aalala sa mukha
wala rin naman akong makitang kulay ng tuwa
Martes
ilang beses kitang tinawagan sa telepono
ilang beses din kitang inabot sa text
lumubog na ang araw at sumilip na ang bituin
hindi ka lumitaw, hindi mo rin ako nakuhang silipin
Miyerkules
sinubukan kong magpalipad ng biro
baka sakaling lumambot ang iyong puso
ngunit laging nakatikom ang iyong bibig
at ang mata mo'y diretso ang tingin sa sahig
Huwebes
paulit ulit lang ang mga nangyayari
itetext kita, di ka sasagot
magkikita tayo, pero hindi ka naman iimik
at mangingibabaw ulit ang salitang "tahimik"
Biyernes
tinanong naman kita kung anong nasa isip mo
tinanong kita, pero ang bibig mo'y selyado
wala ka kahit isang salitang sinabi
sa halip mas pinili mong maupo sa tabi
Sabado
magkatabi nga tayo sa pwesto
pero para sa akin, ang layo mo
paghinga mo lang ang nararamdaman ko
at kwentuhan ng kabilang mesa ang tanging musika ko
Linggo
ubos na ang tao sa 7-eleven
naglakad tayo papunta ng mcdo
limas na ang tao sa malawak na espasyo
mistulang libingan na ang mall na ito.
at tahimik ka pa rin.
walang hangin
musika lang ang huli kong narinig...
Liriko:
There's a lot of things I understand And there's a lot of things thatI don't want to know But you're the only face I recognize It's so damn sweet of you to look me in the eyes It's alright, I'm O.K. I think God can explain I believe I'm the same I get caried away It's alright, I'm O.K. I think God can explain I'm relieved I'm relaxed I'll get over it yet The sent of vasoline in the summertime The feel of an icecube Melting overtime The world seems bigger Than both of us Yet it seems so small when I begin to cry It's alright I'm O.K.I think God can explainI believe I'm the same I get carried away It's alright I'm O.K.I think God can explainI'm relieved I'm relaxedI'll get over it yet. I'm so much better than you guessedI'm so much bigger than you guessedI'm so much brighter than you guessed I'ts alright I'm O.K. I think God can explainI believe I'm the sameI get carried away It's alright I'm O.K.I think God can explainI'm relieved I'm relaxedI'll get off of your back I think God can explainI think God can explainI think God can explain

saan ba ako nagkulang?
Saan ba ako nagkulang?
Ginawa ko naman lahat ng gusto mo
Mga bagay na sa tingin ko magpapaligaya sayo
Mga bagay na ni minsan hindi ko naman ibinato
Ni wala akong binilang sa lahat ng nagawa ko
Saan ba ako nagkulang?
Hinayaan naman kitang iguhit ang aking kapalaran
Hindi kita sinaway, sa lahat ng iyong kagustuhan
Wala kang boses na narinig, lalo na ng pag aalinlangan
At ni hindi mo ako nakitang humakbang, kahit na nasasaktan
Saan nga ba ako nagkulang?
Hindi ko ba naiparamdam ang kahalagahan mo
Wala bang mga tunog na lumabas sa bibig ko
Kulang pa ba ang pagsalo ko sa hagupit ng araw
Sa tuwing naiisip mong mag isa ka lamang?
Sabihin mo
Saan ba ako ngkulang?
Bakit ni minsan hindi mo makuhang makinig sa akin?
Bingi nga ba lahat ng bituino sadyang malayo ka lang?
Ang hirap mong abutin...
Lumapit ka naman
isang dipa lang.
ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, bat di mo ko marinig.ang layo mo.

Tuesday, October 20, 2009
G L O B O
Nilingon kita
Wala kang sinabi kahit isang salita
Yumuko ka lang ng bahagya
At pilit tinakpan ang yong mukha…
Dati akala ko sumsabay lang tayo sa ikot ng globo
Parang may palapag lang, parteng matas at mababa
Nung nasa taas ako habang nasa baba ka
Ayokong tingnan ang ibabang parte ng mundo
Nakakalula pala, lalo na pag malayo ka sa paningin ko
Iniisip ko noon na may mga bagay talagang kailangang bitawan
Kapag nasasaktan ka na, bitawan mo lang, sabay alis
At kapag talagang hindi na kaya, tatakbo ka lang ng napakabilis
Pero nung minsang hindi ko naman sinadyang bitawan ka
Nagbagong bigla ang pananaw ko…
BADTRIP PALA PAG MAY BINIBITAWAN
Nilingon naman talaga kita
Talagang ayaw mo lang tumingin
Nakapako na kasi ang mga mata mo sa iba
Hindi na sabay ang pag ikot ng ating globo

Wednesday, October 14, 2009
sana huli na to
Hindi ko alam kung huli na to
Kahit kasi sampung beses akong humiling sa taas
At araw araw kong bilangin ang mga bituing nakasabit dito
Purihin ko man ang liwanag na dala nito
Imposible paring bumagsak na parang bato
Yang mga makikislap na butil na nakikita ko
Kapag ba tumulo na lahat ng luhang para sayo
Maauubus na kaya ang likido sa mata ko?
Matutunan ko na kayang bitawan lahat ng masaya,
Upang hindi na kita kailan man maalala?
Sabihin mo, makakahakbang na kaya ako?
Minsan sinubukan ko naman
Hindi kita inisip sa isang araw
Namasyal ako sa halip na dalawin ka
Hindi ko pinakinggan yung paborito mong kanta
At kahit nababalot ng lungkot, pinilit kong maging masaya
Hindi ko talaga alam kung huli na to
Pakiramdam ko parte ka parin ng buhay ko
Para ka paring hangin, yayakap kapag nilalamig ako
Bubulong sa panahon ng aking kahinaan
Hahalik sa pisngi kapag may dinaramdam
Hindi ka nawala sa mundo ko, wala paring pagbabago.
Ang tagal ko ng pinagmamasdan ang mga bituing yan
Hanggang ngayon, sumasayaw pa rin sa hangin
Ang lahat ng aking mga kahilingan
Isa na lang…
Kindatan mo sya pag nakita mo sya sa taas
Pakisabi namimiss ko pa rin sya.

BOBO
Isang libong tanong na ang napakawalan ko sa hangin.
Nakakatawang isiping sa isang araw, milyon milyong tao ang nagkakandarapa sa paghanap ng kasagutan sa dose-dosena nilang tanong. At kalahati lamang ang uuwing may bitbit na sagot. Oo, kalahati lang. Hindi naman kasi lahat ng tanong na dumarating ay may naghihintay na sagot. Kadalasan may mga tanong na hindi pweedng sagutin ng kahit sino man. Kagaya na lang ng tanong na “kailan ako mamatay?”. Kung sasabihin mong masasagot mo ang tanong na ito, kasama ang eksaktong petsa at lugar, ibibili kita ng puwesto sa baclaran. Kailangan ka ng mga taong umaasang mahuhulaan mo ang kanilang kapalaran.
Naiinis ako.
Nakakayamot kasing isiping ang mga simpleng tanong ko ay masusuklian ng napakahaba at komplikadong sagot. Nakakalito. Sa huli maiiwan pa rin akong tulala habang nagbibilang ng mga langaw na dumadapo sa karenderya ni Aling Pepay. Lalo lang akong maaasar habang iniisip ko na ang bobo bobo mo. Kasi napakasimpleng tanong, pero papaulanan mo ako ng libo libong paliwanag at ang masaklap kalahati nun ay galing sa bibliya. Paano ko hahanapin ang sagot ngayon?
Minsan ba naisip mong wag na lang magtanong?
Kasi wala din namang mangyayari. Hindi rin naman masasagot ng derekta ang payak mong tanong. Nakakalito kasi ang mga sagot. Lalo na kung ang tanong mo ay ganito:
MAHAL MO BA AKO?
Ang BOBO mo.
Wednesday, October 7, 2009
gusto kong saktan si chito
"Lagi naman kitang nakakasama, ewan ko kung bakit ba wala pa ring nagagawa. Kahit na napakadali mong kausapin ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring aminin. Madalas naman tayong naglolokohan dinadaan ko lang sa biro ang tunay na nararamdaman, kaya siguro hindi mo sineryoso ang aking mga sinabi yan tuloy walang nangyari."
Sabi nila maghintay lang daw ako ng tamang oras, araw at panahon tapos darating siya. Hintay nga ako ng hintay, pero kahit ilang taon pa siguro akong maghintay hindi na darating ang taong dati ng nandiyan sa katabi ko. Magulo nga siguro akong kausap. Pero totoo naman kasi, paano ko naman talaga hihintayin ang taong abot-kamay ko lang? Ewan ko…pero sa tuwing nakikita ko siya, nakakalimot ako. Nakakalimutan kong sabihin ang mga bagay na gusto ko sanang sabihin sa kanya. Mga bagay na sana’y makapagpapaluwag ng aking damdamin. Kapag katabi ko siya wala akong ibang ginawa kundi tumawa…tumawa ng malakas upang mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. Kung minsan nga naiisip ko para akong tanga. Tawa ako ng tawa pero sa totoo naiiyak ako. Sino nga naman ang di maiiyak? Katabi ko nga ang taong mahal ko pero ni hindi ko naman masabi sa kanya ang aking nararamdaman. Madalas nga kaming nagkukuwentuhan. Lahat na nga siguro ng bagay bagay napagkuwentuhan na namin, pati buhay ng iba kasama na doon, pero ni minsan hindi ko naikuwentong isang umaga, nagising akong dala ang katotohanang may pagtingin pala ako sa kanya. Kung kelan nag-umpisa at kung paano…’yon ang hindi ko alam. Basta naramdaman ko na lamang ang kakaibang pakiramdam sa tuwing kasama ko siya.
Para akong lumulutang sa hangin sa tuwing nakikita siya. Para bang sa isang iglap nakita ko ang mga bituin sa gitna ng araw. Lahat posible…parang lahat kaya kong gawin. Parang sa loob ng sampung minuto nabuhat ko ang barbel pero superman ang sinigaw ko. Nakakalitong, nakakatawa. Dati, gusto kong wasakin ang orasan kasi parang ang bagal ng takbo nito, na para bang mas mabilis pa ang lakad ng pagong. Pero ngayon, hindi ko na iniinda ang oras lalo pagkasama ko siya. Ni hindi rin nga ako nakakaramdam ng ano mang pagod o gutom. Minsan mahihiya na lamang ako sa kanya…kasi tanghali na pala ni hindi ko man lang siya niyayayang kumain. Siya pa ang unang nagtatanong! Madalas pag kausap ko siya, naghihintay ako ng tamang pagkakataon upang titigan siyang mabuti. Oo, palihim ko siyang tinititigan. Madalas nga niya akong nahuhuling nakangiti…tapos unti-unti kong babawiin ang aking mga ngiti kasi sa tingin ko hindi malayong isipin nyang nasisiraan ako. Pero okey lang… kahit mabaliw pa nga ako basta para sa kanya. Noon, wala akong ibang ginawa kundi asarin siya. Tapos gagantihan din niya ko. Ganyan kami pag magkasama. Sa text…puro biruan ang laman ng mensahe namin sa isa’t-isa. Siguro nga doon lahat nag-umpisa…sa simpleng text. Tapos bigla na lang, napansin kong masaya ako kapag katext ko siya, kahit pulos mga walang kabuluhang bagay ang pinag- uusapan namin at pinagtatalunan. Ganyan nga siguro ang nangyari. Masyado akong nasiyahan sa kanya, hanggang sa nauwi sa labis-labis napagmamahal…kung pagmamahal nga itong matatawag. Naguguluhan din kasi ako, hindi ako sigurado sanararamdaman ko. Ang alam ko lang masaya ako pagkasama ko siya. Tapos pag hindi ko siya nakikita, nawawalang saysay ang araw ko. Ayoko rin naman ng nararamdaman ko kasi minsan nasasaktan ako. Nasasaktan ako kapag naiisip kong baka ako lang ang nagmamahal. Baka isang araw magising na lamang akong wala na siya sa tabi ko. Kapag naiisip ko ang ganitong mga bagay, parang ayaw ko ng magmahal. Parang ayaw ko na siyang mahalin. Minsan sinubukan kung iwasan siya. Ilang araw din akong nagtago sa kanya. Naglagi ako sa mga lugar na hindi niya alam o dinadaanan. Kapag nasa "school, iniiwasan kong tumambay sa mga lugar na alam niyang nando’n ako. Hindi ako nagpakita ng ilang araw. Kapag nakakasalubong ko naman siya, kunwari "busy ako, kundi naman, kunwari hindi ko siya nakita at madalas tatango lang ako tapos diretso na sa paglakad. Pero hindi ko maiwasang mapalingon sa kanya. Hanggang sa ako na rin ang sumuko. Naiisip ko di bale ng masaktan basta kasama ko siya. Ano naman ngayon kung hindi niya ako mahal, basta masaya ako sa ginagawa ko. yon naman talaga ang mahalaga…nagmamahal ako ng labis, walang kulang. Sayang nga lang hindi niya nasusuklian…pero ayos lang din yon, basta napapangiti ko siya. Naiisip ko rin namang sabihin sa kanya ang lahat-lahat, pero kapag uumpisahan ko na, bigla awawala ako. Tapos bibitinin ko na lang siya. lang beses ko ring sinubukan pero walang nangyayari…kasi natatakot ako, baka kasi magalit siya, baka iwasan niya ako…baka mawala siya saakin. Parang hindi ko yon kaya. Di bale na lang! Dumaan din ang mga araw tapos bigla na lang,naramdaman ko ang napakatinding sakit. Akala ko hindi mangyayari sa akin yong katapusan ngkanta, pero nangyari…ayan…andyan na.
"kakalipas lamang ng isang sem ng makita kita na mayroong ibang kasama. Magkahawak ang inyong mga kamay ang dibdib ko ay sumikip ang paglunok o ay naipit. Saying bakit hindi kita niligawan ngayon akoy nanghihinayang. Kasi naman tatanga tanga pa ako noon”.
Heto ako ngayon, bigo habang nasa harap ng aming komyuter, habang ginagawa ito. Naisip ko, anokaya kung sinabi ko sa kanya? May pag-asa kayang mahalin din nya ko? Ewan ko, hindi ko masasabi…kasi di rin naman ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya. Kasi takot akong mawala siya…pero nawala na nga! Siguro mahina nga talaga ang loob ko, ni hindi ko nga masabi sa kuwentong ito ang pangalan ng taong tinutukoy ko. Kasi nga takot ako… Ikaw, matanong kita…tinamaan ka ba sa mga nabasa mo?
Kung oo, marahil para sa’yo tong kantang to…
Subscribe to:
Posts (Atom)