Wednesday, January 1, 2014

susubukan kitang halayin

naaalala ko dati, sabi ko
igagawa kita ng panibagong fairytale
yung maiiyak ka sa kilig
matatawa sa umaapaw na saya
mapapatalon sa tuwa
mapapayakap sa sobrang love

pinangako ko yan dati
tapos madaming nakigulo
nakiyakap satin,
naki intriga,
nakifacebook
nagsulat sa wall
nagsend ng friend request
hanggang sa nakalimot ako...

may listahan nga pala ko,
fairytale na dapat tuparin
mukhang dapat pangitiin
at sensitive feelings
na dapat aluhin

nakalimutan kitang manyakin
sa bawat salitang binitawan ko
sa halip na alagaan ko yung heart mo
pa onti onti - kinakalas ko
hanggang sa maliit na parte na lang
ang nagpupumilit kumapit

nung nakaraang taon,
ang dami kong heart violations
pero wala kang pinataw na multa
Wala ka ring hiniling
pinatawad mo lang ako
pinagbigyan...minahal

kaya ngayong 2014,
wala na akong pangakong sasabihin
wala rin akong love spell na bibigkasin
walang suhol suhol
walang pakyut kyut

dahil ngayong 2014,
susubukan kitang hahalayin
ng mga salitang
may konting halong pambobola
pero 100 percent authentic at brand new...

simulan na natin ang wholesome romance...

sa 2014 - tuloy ang fairytale

No comments:

Post a Comment