Friday, January 3, 2014

pinipilit ng i-push

dati may tao akong gustong gusto. gustong gustong yakapin at ipaglaban. gustong gustong hawakan ang kamay. yung tipong tsansing anywhere. kiss everywhere. gusto ko syang ipaglaban kahit alam kong mali. kahit alam kong pareho kaming hindi makakasabay sa kanta. kahit alam kong yung panahon ngayon di naman talaga pwedeng maging samin. dati gusto ko. ang korni pero nung panahon na yon, sa tuwing tatamaan ng kamay nya ang kamay ko at sa tuwing langhap na langhap ko yung hininga nya sa sobrang lapit namin - naiihi ako sa kilig. sa tuwing babanggitin nya ang pangalan ko, pakiramdam ko nabunot ako sa raffle at sya ang aking premyo. sabi ko naman sainyo ihahashtag nyo to ng #medyokorni. okay lang yun. ganun talaga ang pakiramdam ng mga lumalaban. parang naka drugs. sobrang energetic. push lang ng push. walang pakialam kung nasa tamang daan pa ba sya. ang mahalaga lang eh yung oras na wala kang ibang makita kundi mukha nya. yung mga katabi mo naririndi na sa paulit ulit mong pagbanggit at pagbibida sa pangalan nya. at pati yung dingding na ang tanging kasalanan ay masandalan mo ng hindi sinasadya eh gusto ka ng sipain sa kahahaplos mo dahil yung buong isip, dugo, puso, isama na natin pati apdo mo ay nangangarap na sana mahawakan mo kahit dulo ng kuko nya. nung una magaan sa pakiramdam. langit. kaya ayan lumaban ako. kasi dun ako masaya eh. dun ako ngumingiti. pero hindi pala lahat ng lumalaban...nanalo. napapasuko yung kalaban. nababago yung kwento. kasi kasunod ng paglaban - ay ang announcement ng pagkapanalo mo o pagkatalo.

No comments:

Post a Comment