Friday, May 6, 2011

ikaw ang nag iisang trophy ko

para sa mga hilaw at masabaw na kanin
para sa sinigang na sobrang asim
para sa baboy na di masyadong luto
para sa fried chicken na meron pang dugo
nagmamalaking perfect 10 ka pa rin para sakin
dahil hindi ka naman talaga chef o kusinero
isa kang magaling na guro
maalagang ina, mabuting kaibigan...

para sa mga mwah at i love you
para sa mga sweet messages sa phone ko
para sa mga di mabilang na comments sa FB ko
para sa hugs at kisses mo
sa lahat ng ito,
gusto kitang ipagmalaki sa buong mundo


para sa mga encouragements
para sa push
para sa allowances
para sa comfort
para sweet touches
para sa meaningful na tap
para sa di ko mabilang na "i forgive you"
para sa kung ano ako ngayon
para sa lahat lahat
gusto kong sabihin ang mga salitang ito
"THANK YOU at I LOVE YOU"

ikaw lang at ikaw ang nag-iisang cute
na nanay sa buhay ko
kabog mo si dora
talbog ang mga beauty queens
walang sinabi si ann curtis at angel locsin
sa napaka alluring na katawan mo

i love you ma
ikaw ang nag iisang trophy ko

marry me today and everyday

napapangiti pa din ako
kapag sumasagi sa isip ko
yung mga araw
na nag fliflirt-flirt tayo
ang tahitahimik mo
habang ako naman, bibong bibo
pasmile smile ka lang
tapos ako naman pacute ng pacute
halos wala tayong pakialam
sa mga nakapaligid satin
ano naman kung para tayong sira-ulo?
atleast masaya tayo sa ganito

naalala ko ang mega mall
ang yohoo
ang box ng chocolate
ang mga messages sa ym ko
ang mga makukulit na tula
ang mga sweet gestures mo
ang metrobank
ang bus... ang lahat lahat
kung pano mo nabubuo
ang mga araw na nag eemo ako

naalala ko pa din ang lahat
kung pano nagkaron ng nakawan
tapos pigil na selosan
kung pano tayo ilang beses lumayo
para wala ng masaktan
kaso lang di talaga kita kayang iwasan
at di mo rin naman ako kayang takasan
kaya ang ending
may mga naiwan tayong sugatan

atleast buo tayo
hinawakan ko yung sugat mo
kinumpuni mo yung mga sira ko

alam ko hindi perfect ang love story natin
pero kahit pa sang angle ko sukatin
yun at yun pa din ang gagawin ko
pipiliin kita...may sasaktan pa din ako

at sayo ko pa rin kakantahin to

"marry me today and everyday"

i beg to differ

ako? insecure? hindi...

hindi naman kasi talaga. alam ko namang lamang na lamang sya sakin. bat pa ko maiinsecure. sanay na ako. sanay na ako kapag may mga pagkakataong di mo namamalayang naikukumpara mo sya sakin. tapos bigla mong hahawakan ang kamay ko, tapos sasabihin mong "di naman ako nagcocompare". hindi nga. kaya nga nasabi mo sakin na iba naman yung approach nya kapag nagtatantrums ka. kulang na nga lang, sabihin mong dapat gayahin ko ang ganung istilo nya. okay.

hindi naman kasi talaga. bakit pa. nasa tabi naman kita. kahit na may mga pagkakataong katabi mo nga ako, pero sya naman ang kachat mo. sabi mo kasi ititigil mo na. hindi na. naniwala naman ako. pero hindi mo naman pala kaya. siguro hinihintay mong awatin kita. ayoko. di ka na bata. kung gusto mo. gagawin mo. sabi mo pa "never na kong makikipagchat sa kanya, mag oofline na lang ako". pero nung ni-chat ka, nagreply ka naman. naisip ko tuloy, di siguro ganun kadali. siguro nga. di lang ganun kadali. okay.

hindi naman kasi talaga. bakit pa. sabi mo naman mahal mo ako. naniniwala naman ako. kaso dati kaya, mahal na mahal mo din sya. yung kwento nyo pa nga yung ni-tag mong "greatest love story". okay lang yun. yung entry naman nating ang runner up. okay.

hindi naman talaga ako insecure noh. takot lang ako. pano nga naman talaga kung biglang magbait baitan ulit ang dating naligaw na tupa?

syet sa sabsaban ako pupulutin.

yes boss

yes boss. salamat sa 762 pesos na increase pagkatapos ng isang taong serbisyo ko. salamat dahil naisipan mo 'kong ireview. so ano naman ngayon ang dapat kung gawin bukod sa magreklamo? mag feed ng sampung street children? magpa pizza? magtumbling? magsaya?

yes boss. kanina gusto kong sabihin sayo na wala naman talaga akong mapapala sa kompanya mo, bukod sa panlalait ng mga baluktot na rules and regulations nyo at pag gamit ng kung anu anong proxy para mabuksan ang aking FB, ano pa bang pwedeng masabi ko? salamat na lang din at gumana pa ang isip ko, bat pa nga ba ako makikipagtalo? para saan para ibenta ko sainyo ang sarili ko? di na uy. di nyo ko mabibili ng barya. may value din naman ako.

yes boss. yes sir. yes amo. ang lupit lupit nyo. ikaw na. ikaw na. suko na ako.

sa lunes, may love letter ako para sainyo







just when I think there is something semi-redeemable about you...you prove me wrong

Monday, April 18, 2011

sumagot ako ng tatlong tanong...

kung tatanungin ka ng isang fairy godmother para sa isang kahilingan, ano naman ang makasaysayang hiling mo?

una, di ako naniniwala sa fairy god mother. pangalawa, hindi ako nabuhay sa panahon ni cinderella. pangatlo mababaw lang akong tao. wala akong masyadong kailangan. pero naniniwala ako sa bulalakaw. isipin ko na lang na nasa loob ng bawat nahuhulog ng bituin ang isang fairy godmother. pipikit ako, hihiling pa rin. hindi pera, bahay, kotse, mamahaling alak, kabuhayan showcase o exclusive contract sa star magic. ayoko ng fame, ayoko ng money. hihiling ako ng "love". pag ibig sa puso mo, pag-ibig sakin. naniniwala kasi ako na dito magsisimula ang maganda at masayang buhay ko. pag-ibig ang magtatayo sakin ng tatlong palapag na bahay, puting gate at isang simpleng sasakyan. sa pag-ibig din ako kukuha ng kapital para maitayo ang negosyong gusto ko. sa tulong ng pag-ibig na ibibigay mo din sakin. magpupursige tayo. ikaw ang laman ng bawat hiling ko.

kailan mo masasabing handa ka ng mamatay kasi nakuha mo na lahat ng gusto mo?

pwede na ngayon. pero wag muna. gusto ko munang bumuo ng madaming alaala kasama ka. kasama ng mga taong mahal mo, kasama ng mga taong mahal ko. kasi yun lang naman ang gusto ko...ang pangarap ko. ang mabuhay ng masaya kasama ng mga taong parte ng kaligayahang nararamdaman. pwede na ngayon. pero wag muna. ngayon pa lang kasi ako naging lubusang masaya.

kung may dying words ka, parinig naman. ano yun?

pamanyak naman. pwede ba, last na to. (haha). wala naman kasi akong ibang pwede pang sabihin. wala din akong testaments na ihahabilin. basta, mahal kita. mahal ko kayo. masaya ako sa naging paraiso ko. sa maiiwan ko, alagaan mo ang sarili mo. para sakin, para sa mga taong nagmamahal sayo at magmamahal pa sayo.






baby pansin ko lang lahat ng tanong mo pamatay. galit ka ba sakin? ang sweet mo

Friday, April 15, 2011

PROUD AKO SAYO

proud ako sayo
matalino ka
nakuha mo
lahat ng sagot
sa tanong ko

bakit ako nandito?
niluwa ka ng langit
ikaw ang sagot
nakilala kita
sumaya ako
bigla akong nagkavalue
dati kasi
lata ng sardinas
ang packaging ko
ngayon, spam na
biglang level up di ba?

ano silbi ko dito?
hinawakan mo kamay ko
ganun lang kasimple
tapos nakuha ko na
di ko na kailangang
mag-isip ng mag-isip
oo nga naman
kung wala ako
sinong magpapahid
ng sipon mo? (haha)

para saan ang mga tula ko?
binasa mo
ngumiti ka, nagblush
tapos nagkaron ng rush
eto na, inspiration
nasolve ko na yung bigating
equation
ikaw ang nawawalang parte
ng formula
ngayong nailagay na kita
yung tula ko
nagkaron na ng kulay at mukha

bakit natipak yung ngipin ko
sa bandang gilid?
lumapit ka sakin
sabi mo
"patingin nga?"
"kyut pa din naman ah"
bigla kong narealize
eto na ang biggest role ko
ako ang nakatakdang
maging source of entertainment mo


saka last
bakit ako masaya?








kasi andyan ka

Monday, April 11, 2011

ikaw na maging hangin

minsan lang gusto kong mafeel na buo ako. sa tuwing titingnan mo ko, o maaalala mo ang pangalan ko, hindi "kalahati" ang makikita ko sa mga mata mo. yung tipong kapag naiiyak ka, sapat na yung hawakan ko yung kamay mo. o kaya kindatan ka, para mapatawa ka. sapat na yung mga jokes ko para mapasaya ka. yung bang tipong kapag pakiramdam mo ang bigat bigat ng mundo, sapat ng isipin mong malakas ako...pwede mo saking ipasa yung pasan mo. kahit pa kasing bigat yan ng dalawang sakong bigas, o kahit pa durog na katawan ng pato, baboy, inahin, o aso pa ang laman ng bagahe mo...sapat ng isipin mong andito ko. gustong gustong tulungan kang magpasan ng kahit ano pang mabigat na dala dala mo. yung tipong, hahawakan ko lang ang dulo ng buhok mo, okay na ang araw mo. tipong aakapin lang kita, kinikilig ka na, tapos mapapasmile na kita. yung mga ganung tipo. kasi wala namang araw na hindi ko naisip na sa mga ganito kaliliit na gestures, maisasalba ko ang malungkot mong oras. dati ganun. confident ako..pakiramdam ko, ako ang nag-iisang taong makapagpangiti sayo kapag wala ka sa mood, makakapagpakalma kapag natetense ka, makakasolve ng daily crosswords mo. dati pa nga akala ko may magic ang mga mata ko, kasi kahit tingnan lang kita, kahit sobrang layo...ngingiti ka. hindi pala.

ngayon ko lang din naman naramdamang hindi ako parte ng equation. kanina nga gusto kong magmakaawa. isali mo naman ako. kahit i-substitute mo ako sa x. kahit sa ganung paraan, papayag naman ako. basta isali mo naman ako. kung di man makuha yung tamang solution. itry natin ng itry. gawin mo kong y, magminus tayo, magdevide, magsubstract. mag plus. basta isali mo ko. di tayo titigil hanggat di natin nasosolve ang problemang yan. wag lang ganito. pakiramdam ko di ako kasama sa mga plano mo, sa mga packages na narereceve mo, para lang akong pantali. nasa gilid, nasa ibabaw, pero wala sa loob.

dati kasi di naman ganito, pero kanina nung tinanong kita kong bakit ka umiiyak...
ganito ang sagot mo "pakiramdam mo walang nagmamahal sayo" eh ano pala ko? decoration? hangin?

di naman tama yun.