Saturday, March 20, 2010

tumangkad ka ba?

Naisip kita kagabi. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam basta pakiramdam ko hindi na kita hawak. Tipong lumuwag na yung tali. Dati kasi nasanay ako na lagi lang nakatali ang kamay ko sayo. Bawat hinga mo alam ko. Mabilis kong nalalanghap ang gas na nilalabas mo kapag kinakabahan ka. Madali ko ding naaamoy ang paborito mong perfume na halos isang taon mo na ring tinitipid. Dati dikit na dikit tayo. Halos hindi na nga ako makagalaw. Kaya piglas ako ng piglas. Nahihirapan kasi akong huminga. Pakiramdam ko lagging may camera sa paligid ko. Konting galaw ko lang pwede akong mapatawan ng parusa. Hindi ko tuloy maenjoy ang earth kapag nakaside view. Puro harap lang kasi nakikitako. Hirap kasi akong gumalaw.

Dati yun. Iba na kasi ngayon. Pakiramdam ko kumalas na yung tali. Maluwang na. Kaya ko ng baliin ang kamay ko. Nakakamot na ako sa ulo. Nakakatanggal ng kulangot sa public place. Malaya ko ng naigagalaw ang kamay ko. Wala na akong boss. Hindi ko na kailangang sumunod sa lahat ng utos mo.

Pero nakakapanibago. Hindi siguro ako sanay ng malaya. Gusto ko lagi mo kong dinidiktahan. Hindi ko alam kong gusto ko talaga. Siguro nasanay lang ako na para akong nasa selda. Kaya ngayong medyo nabigyan ng parol, pakiramdam ko bago lahat ng nakikita ko. Takot na takot akong humawak ng kahit anong palamuting nakikita ko sa parke. Baka kasi biglang may humuli sakin. Ganun ang epekto ng FREEDOM ko. Para akong bagong salta. Aanga anga. Madaling maloko. Magogoyong kahit sinong mas bobo pa sakin. Ikaw rin ba ang may gawa ng traumang ito?
Hindi ko alam kung nasan ka ngayon. Nasa malayo.nasa malapit. Wala akong idea. Basta ang alam ko wala na akong mahawakang tali. Kapag biglang bumaha at inanod ka, hindi na kita mahihila pabalik sa dati mong property.
Pa banat na lang.

Tumangkad ka ba? Bakit parang hindi ka na kasya sa puso ko.

No comments:

Post a Comment