Friday, May 27, 2011

sa kahit anong panahon

nag-iisip ako.

mga limang buwan kaya
sa kasalukuyang panahon
pano na kaya tayo?
mag s-smile ka pa kaya,
sa tuwing kakanta ako?
kikiligin pa kaya ako
sa mga kindat at banat mo?
magdidikit pa kaya tayo ng love notes?
o magpapalitan ng mga sweet thoughts?

mga limang buwan pa kaya
sa pangkasalukuyang panahon
magkatabi pa kaya tayo?
ako pa din kaya ang laman
ng lahat ng mga panaginip mo?
mga braso mo pa din kaya
ang pagpapantasyahan ko?
tula ko pa din kaya ang 'yong babasahin
at himig mo pa din kaya
ang gusto kong namnamin?

nag-iisip ako.

tapos na.

nakapag isip na ko.

mga limang buwan pa
sa pangkasalukuyang panahon
malamang hawak ko pa din
ang kamay mo
ako pa din, ang anino sa tabi mo
ngiti mo pa din ang bubuo ng araw ko
jokes ko pa din ang bubuhay sa umaga mo
ikaw pa din ang dating "chabs" ko
ako pa din ang "clown" mo
dating ikaw
dating ako
wala pa ring magbabago

naks, pitong buwan na tayo
limang buwan na lang
mamarkahan na natin ang anibersaryo
relax lang....
madami pang susunod.

excited na ko...

pero sa ngayon...
pitong buwan muna...


masaya ako katabi pa din kita...
di ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak
kung ilang beses kitang na hurt
kung ilang beses sa isang araw kang magtampo
at kung ilang beses kitang pinagaling
sa pamamagitan lamang ng salitang "I LOVE YOU"

masyado tayong busy ngayon
pero...
"I LOVE YOU"
lagi akong may oras para sabihin yan

mahal kita
ngayon
bukas
sa sabado
sa lingo
sa lunes
sa lahat ng petsa
sa kalendaryo
sa lahat ng holidays na
iproproclaim ng pangulo
sa tag araw
sa tag ulan
sa kahit anong panahon
yayakapin kita
pangako yan

No comments:

Post a Comment