Friday, May 27, 2011

a birthday wish from your number one fan

pa wish naman ako
na sana
ikaw ang pinakamasaya
sa araw na ito
suot mo ang pinakamatingkad
bituin mo ang pinakamapalad
gumuhit sana ang ngiti
sayong mga labi

happiness para sayo
pa wish ako

hihiling ako para sayo
sana masalubong mo si angel locsin
hawakan nya ang kamay mo
pisilin hanggang dulo
sana makapag papicture kayo
kumaway kaway kasama ang tropa nyang lobo

sana magkaron ng milagro sa araw na to
pa wish ako

magrerequest ako
sana lahat ng makasalubong mo
biglang sasaludo
magbibigay pugay
o kaya biglaang sasayaw
tanda ng pagmamahal
o kaya pag galang

sana lahat ng taong mahalaga sayo
makasama mo sa araw na to
pa wish ako

magdadasal ako
sana maging paraiso
ang ngayo'y mundo mo
at sana mapunan na rin
lahat ng kulang sa buhay mo

sana lahat ng fantasies mo
maging totoo
pa wish ako

pabulong ako ng isang hiling
na sana habang binabasa mo to
maisip mong may isang taong
gustong tuparin
ang lahat ng kahilingan mo

hindi ko madadala si angel locsin
para hawakan ka,
o magbigay ng personal message sayo
pero andito ako
lagi kong hahawakan ang kamay mo
kapag takot ka
kapag may kidlat
kapag di ka makahinga
sa bawat patak ng luha mo
pupunasan ko,
sasaluhin para sayo
sa bawat pagtulo ng sipon mo
bibigyan kita ng tissue
kapag babahing ka
sasabayan ko ng "bless you"
kapag uutot ka
sasayaw ako
kapag malungkot ka
magpapanggap akong abnoy
sa paningin mo

hindi ko mauutusang sumaludo
lahat ng tao sa paligid mo
pero eto ako
dalawang kamay ko
nakataas sayo
ako ang number one fan mo

mapuno ko sana lahat ng empty spaces sa buhay mo


happy birthday
galing sa numero unong nagmamahal sayo

No comments:

Post a Comment