Friday, May 27, 2011

isang araw

isang araw
magbabago ang routine natin
sa gabi gising ka
habang tulog ako
sa umaga naman monitor
sa halip na mukha mo
ang tititigan ko

isang araw
magkikita tayo
ng dulo sa dulo

isang araw
mamimiss kita ng sobra
mamimiss mo ko ng bongga
mag isa akong kakain
babalik sa sa pagiging mahiyain
magpapalit ng medyo dark na kulay
ang mundo natin

isang araw
magugulat na lang tayo
sa nakakahilong pagbabago

isang araw
wala ng metro bank
wala ng seven eleven
wala ng greenhills
wala ng jollibee
di na tayo magkasabay
sa tuwing uuwi

isang araw
magwawala tayo
baka maiyak tayo ng todo

isang araw
hindi na ikaw ang TL ko
iba na ang pagtatanungan ko
malamang hindi na rin ako
ang paboritong team member mo
magkakaron ako ng new found friends
at magbibilang ka din ng sayo

isang araw
iba na yung trip mo, trip ko
baka magkainisan tayo

isang araw
lahat ng kinasanayan natin
pakonti konting magbabago
magkakaron ng malaking adjustment
sa pagtulog, sa pag gising
sa pag pasok, sa pag uwi
sa breaktime, sa lunch,
sa dinner, sa lahat

isang araw
maraming magbabago
pero gusto kong malaman mo to
kapag gising ako
habang naglalaway ka
iisipin pa rin kita
magtetext ako kahit di mo mababasa
gagawan kita ng love letter
habang nahihimbing ka
TL pa rin ang itatawag ko sayo
ikaw pa din naman ang true love ko
magiging ganito pa rin ako kakorni
araw-araw
hanggang sa ikaw na ang umayaw

alam ko may mga bagay
na di natin mapipigilang gumalaw
magpalit ng kulay
ng tono
ng hugis
ng istilo
pero kung ilang beses
akong nagpapalpitate
kapag andyan ka sa tabi ko
at kung gaano ako nagkukulay rosas
sa tuwing kinikilig sa mga sweet na banat mo
yun...yun ang mga bagay na di mababago
ng oras...ng panahon...ng bukas

No comments:

Post a Comment