Thursday, March 24, 2011

kung isang araw babalik sya...

kung isang araw
babalik sya
at babaguhin nya
ang mundong yakap mo ngayon
gusto ko hawakan mo ang kamay ko
kahit di masyadong mahigpit
basta gusto ko lang
maramdaman kong andyan ka
maabot ko pa rin
gagaan ang pakiramdam ko
magiging masaya parin ako

kung isang araw
babalik sya
at maipapangako nyang
di ka na nya iiwan
at ikaw at ikaw na lang
ang larawang kanyang titingnan
gusto ko kahit limang minuto
kausapin mo ako
sabihin mong di ako dapat matakot
gusto kong makita
sa mga mata mong di ka bibitaw
gusto kong malamang ako't ako pa rin
kahit limang minuto lang
gusto kong maramdamang
mashi-shield ako
ng mga kataga mong bibitawan


kung isang araw
babalik sya
at bibitbitin nya
lahat ng masasaya nyong ala-ala
gusto ko isipin mo din
lahat ng mga sinabi ko sayo
lahat ng mga simpleng bagay
na pinilit kong ikahon
kapalit ng nakakahawa mong tawa
kahit yun lang
kahit isipin mo lang din ako
ilang segundo
ilang minuto
okay na ako

kung isang araw
babalik sya
at lalapit sya sakin
upang muli kang kunin...
sana wag na lang
kasi di ko alam
kung san ako lulugar
kung bibitawan ko ang mundo ko
para madugtungan ang sampung taon nyo
o ikukulong kita sakin
para mapigilan ang luhang pwedeng tumulo

kung isang araw
babalik sya
sana wag na lang
kasi alam kong
ibibigay ko ang kalayaang
alam kong di mo hihingin
kapalit ng kaligayahan mo

kung isang araw
babalik sya


...

No comments:

Post a Comment