Thursday, March 3, 2011

forward

52 thousand steps ang gagawin ko ngayon. hindi madali pero magmamartya ako palayo sa kung sang direksyon ka nakatayo. nakakagago ka na kasi. ay hindi tanga nga lang talaga pala ako. pano ba maglaro ng jackstone? praktis ako ng praktis. piko pala gusto mong laro. gusto kitang iumpog ngayon sa maskels ni dagul. trip trip lang. kasi alam ko di ka msasaktan sa maskels nya. di naman din kasi kita kayang saktan. oo na importante ka. at ako TANGA.

ano pa nga bang pwede kong sabihin dito. ah eto "I HATE YOU". pero bukas hindi na. ngayon lang. tinamaan mo kasi ako sa pinakasensitive na part ng body ko. CHEST. ilang seconds din ako nagpulpitate akala mo ba? mahina ako sa numbers kaya di ko kayang bigyan ng tamang bilang. basta alam ko lang madami. sa susunod iwasan mo ang salitang "i love you" kasi powerful yun. pwedeng paiyakin nun kahit si darna, kahit pa si superman pwedeng masugatan nun. sa susunod ah.

di na ko lilingon. promise ko to sa sarili ko. at gusto kong ipromise din sa taong mahal naman talaga ako pero hinayaan kong iwan ako. kapag naumpog ka tapos narealize mo na gusto mong magtampisaw sa mini pool sa mundo ko. sorry sorry na lang. may dress code. bawal ang may damit. tseeeehhh.


bitter ako. belat. haha



---ay nag emote-emote ilang months ago

No comments:

Post a Comment