Monday, April 11, 2011

regular na tayo

regular na tayo
anim na buwan na
pero di tulad
sa karaniwang empleyado
di tayo allowed umabsent
baka mamiss kita
mamiss mo ko
o baka di ko kayanin
ang absences mo
ayoko din makarinig sayo ng reklamo
malay mo, magkabigayan pa tayo ng memo

regular na tayo
may anim na buwan na
wag na lang nating
gayahan ang iba
burahin natin ang tardiness
wag tayong masyadong maniwala
sa salitang "TIMELESS"
ayokong paghinatyin ka
at lalong ayokong
mag-abang hanggang mamuti ang mata
baka kasi masama ang maging resulta

regular na tayo
sa wakas anim na buwan na
wala akong maibibigay na
kung anu-anong prebilehiyo
wala kang HEALTHCARD
pero promise ko
tatanggalin natin lahat ng masakit
magiging masaya ka
bibigyan kita
ng mga di pangkaraniwang benepisyo
pwede kang umangal kapag pagod ka
magiging unlimited din ang BREAKTIME mo
at pangako, sakin di ka maaabuso


regular na tayo
at ipapaalala ko to sayo
hindi mo ako BOSS
at syempre di mo rin ako AMO
pero susundin ko parin
lahat ng rules mo
depende na lang din sayo
kung mag bebehave ka
wala kasi akong rules
kaya wala kang dapat ifollow
gusto ko lang mahalin mo ko

regular na nga tayo
wala pa ding nagbago
kaw pa rin ang ULTIMATE CRUSH ko

No comments:

Post a Comment