Monday, March 14, 2011

namiss kita

namiss kita
namiss ko yung mga oras na tatawagin kita
tapos lilingon ka
tapos mag s-smile
gaganti ka naman
papacute ka ng kindat
tapos sa huli sabay tayong tatawa

namiss kita
namiss ko yung mga
kulay dilaw na papel

na dinidikit mo minsan sa pwesto ko
tapos gaganti ako ng orange na papel
na minsan naisip kong idikit sa noo mo
para unique...para sweet?
para lang mas mapansin mo...

namiss kita
namiss ko yung mga paulit-ulit mong kwento
tapos sasabihin ko to
"pang pitong beses na yang story mo"
tatawa ka lang
ngingiti na rin lang ako
tapos pagchichismisan na lang natin
yung mga taong ni-chichismis din naman tayo

namiss kita
namiss ko yung totoong "sweet morning"
kahit may mga bituing nagtwi-twinkle twinkle
yun pa rin ang favorite line natin
kahit sikat na sikat yung araw
yun pa din ang feel nating sabihin
kapag nabasa mo to,
sa kahit ano mang numero huminto
ang kamay ng orasan
isipin mo ko...
gusto kong ibulong sayo "sweet morning"

namiss kita
namiss ko kung pano mo
i-wipe yung mga luha sa mata ko,

sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot
o kung pano mo iboost yung confidence ko...
kung pano mo ko i-lift
tapos sasabihin mo na
yung winning lines mo
"basta ako lagi mo akong kakampi"

namiss kita
ilang araw ding hindi tayo ganito
bigla akong nanibago

namiss kita
kalahati kasi ng tao sa mundo ko
puro mga anino mo
aalog-alog tuloy ako

namiss kita.

No comments:

Post a Comment