Friday, March 18, 2011

i don't have anything fancy to offer

buo ulit tayo ng palasyo?
hindi kailangan ng madaming palamuti
okay lang kahit simple
kahit walang mga taga pagsilbi
o kahit walang magarang TV
ang importante lang ikaw
tapos ako
ganun lang sasaya ulit tayo
ako na lang ang maghahanda
ng almusal mo, tanghalian
kahit hanggang hapunan
ikaw na lang din ang papanuorin ko
hindi ko na kailangan ng HBO
araw araw ikaw lang ang magiging
source of information ko

buo ulit tayo ng palasyo?
hindi na kailangan ng madaming tao
ikaw lang sapat na para maging mundo
gusto ko lang sabay tayong titingin sa kalawakan
paghahatian ang isang shooting star
bibigkas ng isang promise
sabay sasabihin ang precious wish
hindi na kailangan ang kahit anong sasakyan
kaya ko namang mabuhay
kahit di umangkas sa mga classic cars
basta hawak ko lang ang kamay mo
maglalakad tayo ng di naliligaw

buo ulit tayo ng palasyo
kahit walang malawak na garden
o limang daang klase ng pananim
kasi madaming love lang naman
ang gusto kong anihin
at yun lang ang paborito kong ihain
sapat na yun
di ko rin kailangan ng golden spoon
o mababasaging plato
kaya kong kumain sa styro
at uminom sa plastic na baso
ang importante magkasama tayo
mabubuhay tayo sa sarili nating paraiso

buo ulit tayo ng palasyo?
hindi na kagaya ng dati nating mundo
sisiguraduhin kong di na tayo babahain ng luha
hindi ka na rin matatakot mag-isa
andito na ko
yung dating ako
wala pa akong mga gamit
para makapagpatayo ng palasyong gusto mo
pero eto na ko
BUO.

No comments:

Post a Comment