Wednesday, March 23, 2011

wouldyouhurtthemantoday?

"ngapaparamdam sya"
eto ang sabi mo sakin last time

uulitin ko
ang mga dating tao
sa buhay mo
parte ng kasalukayan mo
one half, one fourth
one eight o one third
di ko alam
mahina ako sa figures
lalo na kapag fractions
pati nga nafefeel ko ngayon
parang ayaw umayon

"tugs"
sigaw ni heart?
di ko alam
daing ko?
pwede
ang status ko
"is in mixed emotions"
natatae bigla
pero tyan ko naman bakante
san naman ako ngayon lulugar?
sa labas
sa loob
magkakalat muna
magpapaikot-ikot
o maghahakot?

naisip ko
pano kapag niluwa sya ng araw
tapos biglang pumasok sa mundo natin?
magbubukas ka kaya ng bintana?
o ng sampung malalaking pintuan?
naisip ko
posible pa kayang mahanap ang lost key?
maduplicate kaya?
manakaw?
manakawan ang minsang nagnakaw?
matangay ang minsang nagpatangay
siguro
wala ng sigurado


"nagparamdam sya"
ang huling sinabi mo

"boom"
pagbukas ng facebook mo
sabi mo sakin
parang kilala mo
yung last na nag-add sayo
pagtingin natin sa profile
ikaw lang ang nag-iisang friend
ang birthday pang nakalagay
petsa ng pinakamasayang araw nyo dati
isang manifestation ng pagpapahapyaw

"enk-shrink"

nanliit ako

No comments:

Post a Comment