masaya ka pa ba?
naisip ko kanina
kahapon
last friday
hanggang ngayon.
minsan kasi paranoid ako
atin atin lang
ibulong mo na lang sakin
yung sagot mo
promise ililihim ko
gusto ko bumalik sa mga oras na galit galitan ako sayo, habang taranta ka naman sa kaka-tap ng likod ko. tapos ayaw ko pa ring papigil. para akong nakadrugs. akala mo pasan yung globo. samantalang yung biglang pag utot mo lang naman habang kumakain tayo ang kinagagalit ko. sorry kung medyo late na to. bigla ko kasing naisip na ang utak ko pala kasing laki lang ng kulangot. sobrang bagal pa kung mag process. tipong dadaan muna ng tuguegarao bago ko maisip ang tamang gesture. dapat pala di na lang kita inaway. sa halip inubos ko na lang yung amoy. kasi ganun naman dapat kapag mahal mo yung tao. mahal mo pati tutuli nya. pati sipon. lalo na yung utot. mahal mo eh. sorry mali ako.
minsan talaga para akong abnoy.kapag late ka, bigla na lang akong nagtratransform. bigla akong lulunok ng tawas sabay sisigaw...holah ako na ang kontrabidang hilaw.sorry. bad ako.
itatanong ko lang...sa lahat ba ng pangit na nagawa ko. bati pa rin tayo? masaya ka pa ba. sabi ko naman kasi di talaga ako juliet material. may mga panahong insensitive ako. may mga piling araw na magtatantrums ako. may mga oras na makakalimutan kong sa iisang sports car tayo nakasakay. kailangan kong tumingin sa traffic lights. kailangan kong prumeno sa tuwing may tatawid. kailangan kung isiping kahit imbento lang ng tao ang batas, hindi masamang paminsan minsan aralin ko to. sorry. bongga.
masaya ka pa nga ba? ano man ang sagot mo, iisa pa rin ang itutugon ko.
"sa mga panahong impakta ako sayo, di ibig sabihin nun. di kita mahal, o mas mahal mo ko. o mas konti ang love na ibinibigay ko. pareho lang tayo. ang level mo. level ko din. pantay tayo. sa kahit anong measuring cup pa yan. aabot ako, kung san ka aabot. mahal kita. dahil mahal kita. walang dahil kyut ka o matalino ka. kasi kapag di ka na kyut at kasing bobo mo na yung mga pulitikong madalas nating nakikita sa tv...hahanap at hahanap tong feast shape organ sa gitna ng dibdib ko ng rason para paulit-ulit kang puriin".
kahit anong sagot mo.
eto pa rin ako.
pinky swear.
ay hindi mo lang basta maririnig kundi makikita mo pa sa newsfeed. dahil ang ordinaryong salitang I LOVE YOU - palalawakin hanggang mai-like mo
Tuesday, September 13, 2011
Monday, August 29, 2011
dearest baby, koks, sweetie, sipunin, ututin, choy
sampung buwan na pero ututin ka pa rin...sipunin pa.
gustong gusto ko pa rin ang tunog ng tawa mo at ang mala beeper na tunog ng utot mo. napapasmile pa rin ako sa konting pagpapacute mo. gumagaan pa rin ang pakiramdam ko kapag hinahawakan mo ang kamay ko. boses mo pa rin ang nagpapakilig sakin. walang nagbago.
ikaw pa rin ang laman ng bawat katha ko.
ikaw pa rin ang nasa kantang terrified, thunder, one night at syempre the way i do.
ikaw pa rin ang larawan ng ideal na pag-ibig.
ikaw pa rin ang bida sa mga panaginip ko.
ikaw pa rin ang nag iisang inspirasyon ko.
marami ng nangyari. binabagyo tayo. sinisipa ng kalendaryo. nagwewelga ang mga pananaw natin...madalas nga may riot pa.
pero
sa sampung buwang magkasama tayo.
isa lang ang alam ko
lahat ng to lilipas din...
PAG-IBIG lang ang hindi
mahal kita ng paulit-ulit
happy monthsary.

status
minsan sinabi mo sakin "mas mahal kita kasi kahit may kapangitan ang ugali mo di pa rin kita kayang iwan". nagblush ako. ang sweet sweet mo kasi. sa sobrang tuwa ko gusto kong ihampas sayo yung laptop sa tabi mo. aliw na aliw ako, gusto ko nga sanang i-send to many at gawing quote yang statement mo. gusto ko din syang i-status sabay like sa FB. ang kyut kyut mo talaga. super. sarap mong kurut kurutin hanggang lumabas yang dugo sa pisngi mo. hanggang pati sipon mo umapaw sa sahig. hanggang sa wala ng liquid na matira sa katawan mo. ganun ko kagustong suklian yang pamatay na statement mo.
sorry, pero medyo bobo kasi ako sa pagdefine ng salitang "love". kaya di ko naappreciate ang statement mo. pakiramdam ko may halong panlalait. kaya bigla bigla din yung paninigkit ng mata ko. pakiramdam ko nabawasan ng 36% ang pagkatao ko. pakiramdam ko may halong galit saka pait. bitter ako ng konti. konti lang, kasi di ko pa naman naisipang kuhanan ka ng ipin para gawing amulet o kaya decoration sa kwarto ko. pampam kasi ko minsan, kaya imbes na sa utak mapunta yung statement mo, dumaan muna sa tuhod ko. tuloy, di kita nagets.
eto naman ang statement ko. pwede mo din syang gawing status sa FB o kaya isend to many. i blog mo pa kung gusto mo.
"hindi totoong mas mahal mo ko, mas mahal kita kasi dati sobrang pangit ng ugali ko, ngayon may kapangitan na lang. yung mga transformations ko, dahil yun sayo"
ako ang unang maglalike kapag ginawa mong status to. promise.
at eto pa.
"mas mahal kita, kasi kahit sobrang baho ng utot mo, ngumingiti pa rin ako"
like.like.like.like.like
hakhak

minsan may isang abnoy
kanina naghihingalo ako. tipong tamad na tamad ako sa buhay ko. kulang na lang mag flat line. akala ko nga di na ko hihinga. binisita kasi ako ng matinding lungkot, may kahalo pang frustrations yun. pakiramdam ko kasi, pagod na ko sa kahahalo ng semento pero di ko pa rin mabuo yung pangarap kong mini condo. yung bang lugar na ideal sakin. yung mundong nakikita ko lang lagi kapag pikit ang mata ko. minsan tuloy naisip kong wag na lang dumilat. kapag gising kasi ako parang lagi din naman akong nakikipagpatayan sa mga sanggano sa kanto. para akong laging nagpupumiglas. hanap ako ng hanap ng sagot sa mga di konkreto kong tanong. ikot ako ng ikot. dead end lagi.
hanggang sa kanina. napangiti ako ng batang parang may make up na uling. bigla na lang sumampa sa jeep, sabay abot ng mga sobre. hingal na hingal habang kinakanta yung baby baby oh ni justin bieber. naisip ko magandang sideline to, kapag sawa na ko sa bpo kukuha lang ako ng kaldero. tatambol tambol ako sa harap ng tao habang nangongolekta ng piso. buhay na ko. di ko na kailangang pumasok ng formal araw araw. dress down ako lagi. wohooooo. ganyan ka liit ang utak ko. susme. si little justin bieber tuwang tuwa habang kinokolekta yung mga barya, tumutulo pa yung sipon. wapakels. pag baba nya, napasmile ako. piso lang kasi gumuhit na yung ngiti sa mukha ng bata. astig.
realization yun para sakin. di ko na kailangan magsolve ng mga komplikadong equation. kapag di ka masaya. gumuhit ka ng rainbow. pag gusto mong magtampisaw sa ulan, pilitin mo ang PAG ASA na humanap ng palapit na bagyo. kapag gusto mong flexible ang pasok mo, mangolekta ka na lang ng memo. kapag nalulungkot ka, maghug ka ng kras mo. kapag badtrip ka, basagin mo ang mukha ng katabi mo. sige lang. di naman pala nakakapagod ang buhay. lalo pa kapag may aninong sumasabay sayo. kapag may isang taong nagkukumpuni ng mga sira sa balunbalunan mo.
lalo na kapag andyan ka...magaan pa rin pala.
kung wala ka kasi baka headline na ko sa dyaryo.
"abnoy nagbigti habang kumakain ng racumin, hawak ang hinostage nyang daga"

kyut sana
ang buhay kapag wala ka
parang ibong maagang nagising
pero walang uod na makain
parang sisiw na nawalay sa inahin
humihikbi sa takot na baka biglang dagitin
parang sanggol na naihi sa kama
gamit ang diaper na mura
parang ampalayang biglang nahinog
kulubot na'y bigla pang nahulog
parang isdang nabingwit
nawakasan ang buhay ng di sinasadyang masabit
parang aswang na di mapakali
walang mabiktima, walang mahuli
parang negrong gustong pumuti
pero di nya mahanap ang susi
parang kalbong atat magkabuhok
lahat ididikit kahit na palabok
parang mug na na-crack
wala ng gustong humawak
ang buhay kapag wala ka
parang AKO...
sa gitna ng bahang kalsada
sa gitna ng badtrip na ulan
habang hawak ang payong
na nabili ko sa halagang singkwenta
pero kung andun ka...
kahit magtampisaw pa tayo sa baha
ang kyut pa din

ikaw at ang mahalay na sanaysay ko
sa tuwing nagsusulat ako, naibibida kita sa mundo. ikaw ang paborito kong subject. malaya kong nasasabi ang mga nararamdaman ko. walang kokontra. walang eeksena. tuloy tuloy lang. eto ang tanging paraan ko para ipabatid sayo ang mga mensaheng bukod sa medyo may kalumaan ng istilo at may palabok pang kakornihan. wala akong pakialam kung di tama ang punctuations ko. ang mahalaga. naiintindihan mo ako. wala akong pakialam kong di makuha ng iba. di naman para sa kanila ang isinusulat ko. exclusive to sayo.
hindi kagaya ng mga pintor, di ako marunong gumuhit. smiley lang ang kaya ko. minsan tingting na tao. minsan naman sungay. o kaya ilong ng katabi ko. mga ganung larawan lang ang kaya kong ipinta. pero sa pagsulat, ikaw ang perpektong mukha ng pag ibig. ikaw ang bituin, ikaw din ang dagat. ikaw ang pantasya ng mga grade 1. ikaw ang iniidolo ni angel locsin. ikaw ang front page sa lahat ng magazine. ikaw ang larawan ng pag-asa, ng tagumpay...ng bukas.
hindi rin ako marunong sumayaw. parehong kaliwa ang paa ko.di kita kayang sabayan sa disco. di tayo pwedeng magbreak dance kapag gusto mo. pero sa pamamagitan ng pagsulat, mapapagalaw ko ang mga paa ko. matatalbugan ko yang mga dance icons na yan. mawawala ang supah dance churva. magkakaron tayo ng biglaang fans club. pipirma tayo ng madamihang autograph. paghahandaan natin ang ating pagsikat.
lalo namang wala akong talent sa pagkanta. sabi nga tunog bronze daw ang boses ko. may mangilan ngilan pang nagsabing panay kahol lang ang alam ko. pero malikhain ang mga tula ko, may laman ang bawat kwento ko. pwede kong matabunan ang boses ni mariah carey. pwede kong makuha ang grand title sa star in amillion. pwede pa kong magcompete sa labas ng bansa. sa gilid ng spratley. sa gitna ng dagat. o kahit sa taas ng bundok. sa paraan ng pagsusulat, maiaalay ko sayo ang isang wagas na liriko.
di ako talentadong tao. pagsulat lang ang kaya ko. pero sa pamamagitan ng mga letra ko, maiuukit ko ang mga letrang bubuo sa salitang I LOVE YOU.
at yun ang mahalaga.

Wednesday, June 15, 2011
ako at ang pagbabalik tanaw.
kahapon sweet sweetan tayo
tipong tatakpan mo ang araw
para di ako masinagan
tipong babanggain mo lahat ng bus
sa tuwing trip kong dumaan
yung tipong bubuksan mo yung lupa
tapos biglang may mambubulaga
surpresa ang lahat ng mangyayari
walang clue
kahapon sweet sweetan tayo
mga tipong ngingiti ako
kahit korni ang mga jokes mo
susunod ako sa bawat galaw mo
para mo akong anino
yung bang tipong kapag pagod ka
ramdam ko din ang pagod mo
pag masaya ka naman
para akong nakajackpot sa lotto
ang mundong ginagalawan ko
mistulang isang paraiso
kahapon kasi sweet sweetan tayo
tipong HHWW tayo
may pa swing swing pa
bibo sa tuwing kakain
palaging nagpapapansin
yung bang parang kahit umaga
may mga stars na nakabitin
pag gabi parang laging sunrise
ganun tayo kahapon
siguro ganun talaga
kung gano kadami
ang mga maling nasasabi ko
at kung gano ka bongga
ang mga di kagandahang rhyme
sa mga tulang sinusulat ko
ganun din ang sinasabi
sa pagkatao ko.
laging di perfect
yan ako
tanggapin nating
pareho tayong di perpekto
wala tayo sa mundo ni amaya
walang green rose
walang screen
walang kamera
wala tayo sa pelikula
may pagkukulang ka
may pagkukulang ako
sabay nating punan yun
tapos promise
bukas
parang kahapon lang ulit
tipong tatakpan mo ang araw
para di ako masinagan
tipong babanggain mo lahat ng bus
sa tuwing trip kong dumaan
yung tipong bubuksan mo yung lupa
tapos biglang may mambubulaga
surpresa ang lahat ng mangyayari
walang clue
kahapon sweet sweetan tayo
mga tipong ngingiti ako
kahit korni ang mga jokes mo
susunod ako sa bawat galaw mo
para mo akong anino
yung bang tipong kapag pagod ka
ramdam ko din ang pagod mo
pag masaya ka naman
para akong nakajackpot sa lotto
ang mundong ginagalawan ko
mistulang isang paraiso
kahapon kasi sweet sweetan tayo
tipong HHWW tayo
may pa swing swing pa
bibo sa tuwing kakain
palaging nagpapapansin
yung bang parang kahit umaga
may mga stars na nakabitin
pag gabi parang laging sunrise
ganun tayo kahapon
siguro ganun talaga
kung gano kadami
ang mga maling nasasabi ko
at kung gano ka bongga
ang mga di kagandahang rhyme
sa mga tulang sinusulat ko
ganun din ang sinasabi
sa pagkatao ko.
laging di perfect
yan ako
tanggapin nating
pareho tayong di perpekto
wala tayo sa mundo ni amaya
walang green rose
walang screen
walang kamera
wala tayo sa pelikula
may pagkukulang ka
may pagkukulang ako
sabay nating punan yun
tapos promise
bukas
parang kahapon lang ulit
Subscribe to:
Posts (Atom)