Tuesday, August 28, 2012

am i not worth every fall?

Ang gusto ko lang naman, sampung minutong oras mo para sabayan akong kumain. Kahit nga limang minuto lang. Maramdaman ko lang na may kasama pa ko. Na adyan ka pa. na pwede mo kong hawakan. Tapikin kapag nabibilaukan. Sampung minuto lang. Yung masaya tayo. Yung hindi mo ipaparamdam sakin na kulang ako. Na kalahati lang ang happiness na maibibigay ko. Na ¼ lang ako kumpara sa mga taong minsang sumayaw sa mundo mo. Na ako ang nasa gitnang kulay ng bahaghari mo. Hindi ako yung “best” hindi rin ako yung huling tatatak. Gitna lang. Walang appeal. Hindi mamarka. Gusto ko lang naman kahit tatlumpong segundo, maglandian tayo. Ifliflirt kita, gaganti ka. Gusto kong sabay nating maramdamang may spark pa. Hindi yung ako lang ang naniniwalang meron pa. Ang gusto ko lang hawakan mo yung kamay ko tulad ng dati. Yung konting dampi lang, magke-curve na agad yung ngiti. Yung walang pilitan. Yung hindi peke. Yung kusang binibigay. Kung pwede ko nga lang balikan yung nakaraan tapos tabunan na lang yung kasalukuyan. Kung kaya ko nga lang isulat na ang hinaharap. Mauuwi tayo sa masaya. Hindi ganito. Magkabilang mundo. Para akong batang naghihintay ng paputok sa panahon ng tag ulan. Umaasa. Aasa. Asa.

No comments:

Post a Comment