ay hindi mo lang basta maririnig kundi makikita mo pa sa newsfeed. dahil ang ordinaryong salitang I LOVE YOU - palalawakin hanggang mai-like mo
Saturday, December 4, 2010
Wednesday, July 21, 2010
basag
ako ngayon.
pero konti na lang mabubuo din ako. konting panahon na lang. at ngayon pipilitin kong buohin yung mga nagkalat kong piraso. ang tanga ko talaga kasi. dati naman ikaw mismo nag aabot ng mga maliliit na pirasong yun, nag iinarte lang ako kaya ayaw kong kunin. pakiramdam ko kasi nun di na ako yung taong dapat mag may ari ng medal. kasi wala naman akong ibang ginawa kundi saktan ka. habang abalang abala ka sa kakamartilyo tapos kakadecorate ng mundo ko, ako naman si pampam, namimili ng mga palawit para sa mundo ng iba. salabahe ako. pinitk kita ng patalikod. pero ni minsan di mo pinakitang namula ang tenga mo. pilit mo pa rin akong pinayungan sa lahat ng sakit. salbahe talaga ako.
kapag nabuo ko ulit ang sarili ko, promise di na kita paiiyakin. babawi ako. kahit ako na maglaba ng mga medyas mo araw araw. kahit ako na magluto ng pagkain mo sa almusal, sa tanghalian pati sa hapunan. kahit ako na rin ang bumili ng balang ibabaril mo sakin. basta babawi ako.
kapag nabuo ko kaya ulit ang sarili ko.....
ako na mismo ang bibili ng singsing na isusuot mo sakin. hindi pa ngayon. pero in time masasabi ko din tong linyang to "im ready to spend the rest of my life with you"
asan ka na kaya? di na kita natsasansingan.

Monday, July 12, 2010
a single lie
TRUTH
may mga bagay na nagbabago.
totoo. lahat ng bagay dito sa earth pwedeng magbago. yung dating bungi, pwedeng magkangipin after 10 years. tapos yung dating pangit pwedeng maging maganda, yung dating wasak ang puso, kapag nakakilala ng taong magkukumpuni ng sira, pwedeng maging buo ulit. yun namang akala mo nakahiga na sa alapaap, hahalik pa din yan sa lupa pagkalipas ng tatlong segundo. ganon kabilis magbago ang mga bagay. dati masaya ka, pwedeng sa mga susunod na araw kakain ka ng aspili. walang di nagbabago. kasama na dun ang salitang "pag-ibig". hindi sa lahat ng oras hihiga ka sa kamang punong puno ng mga red petals. darating din ang panahon matututo kang mahiga sa kamang punong puno ng sipon(haha). wala lang. pwede naman yun di ba? manlalagkit ka din. at wala kang ibang choice kundi magpalit ng bed sheet. kasi yung kinasanayan mo, hindi na komportableng gamitin. malagkit na sa katawan. kung lalabhan mo man nakakadiri pa din. basta kahit pa anong sabihin ng ibang tao sakin, hindi magbabago ang pananaw ko tungkol dito. may mga bagay na nagbabago, wala kang magagawa para pigilan ito. acceptance lang.
nasa diksyunaryo ang salitang KOMPLIKADO.
may mga bagay naman talagang komplikado. kaya gigitna ako. hindi ko itataboy ang mga adan na mas gustong nakagown, hindi ko rin ibababa ang mga eba na mas komportableng nakapolo. hindi ko din sisigawan yung mga taong umiiyak dahil nababalot sila sa isang relasyon na mas magulo pa sa sitwasyon ng pilipinas. hindi rin ako galit sa may mga kabit, o sa may mga third party. tao sila. marupok. mahina. nagkakasala. at hindi sapat yun para husgahan sila. hindi rin ako galit sa sinungaling. sabi nga "what they doesn't know wont hurt them". wala namang taong hindi nagsisinungaling. human nature yun. kapag masyadong komplikado ang bagay wala ka namang ibang mabilisang paraang maiisip para makalusot. kagaya na lang ng biglaang pag-utot mo sa loob ng air conditioned room. hindi ka naman aamin lalo na kung katabi mo yung crush mo, palihim mong ituturo ang piping katabi mo. lahat tayo pwedeng maglagay ng status na "its COMPLICATED". may salitang ganun. naintindihan ko naman kayo.
mababago ng pag-ibig ang kahit sino.
kahit pa barumbado babait din. ang pari aalis sa simbahan, mamumuhay ng normal. ang mga adik, magagawa ding iparehab ang sarili, pero eto lang ang mga womanizer, sa takdang panahon magkaka AIDS din. hindi ako naniniwala sa "kaibigan" ko na nagsabing "sometimes love is not enough". para sakin laging sapat yun. kasi sa pagmamahal wla namang kulang. puro sobra pa nga. kapag kinulang ka. tanungin mo sa sarili mo kung mahal mo nga ba sya. laging sapat ang pag-ibig. sapat para maging masaya ka. para mag seryoso, para magmahal ng isa. para mahalin ng nag-iisa. SAPAT yun.
i hate you!

Tuesday, April 6, 2010
A
Ang sarap tingnan ng mga tala sa kalawakan
para silang kumakaway
kumikindat, ngumingiti
kumakanta ng rock
tumatanggap ng request
subukan natin
gusto ko pumikit ang taong
unang magbabasa ng tulang ito
tapos isipin nya
na hawak ko ang kanang palad nya
pinapakinggan nya ang kanta ko
dinaramdam ang malamig na hangin
sumasabay sa musika
gusto ko maniwala sya
sa lahat ng iguguhit kong pangako
sa madilim na kalangitan
tatango, sasagot ng "OO, nararamdaman kita"
gusto ko pagdilat ng mata nya
mauunawaan nya ang lahat lahat
ang pagbulong ng hangin
ang halik
ang mga guhit sa kalawakan
sa unang taong magbabasa ng tulang ito
isang yakap lang
kasabay ng pagkindat ng mga tala sa kalangitan

B
Blue moon
ang gandang pagmasdan
ang gandang ilarawan
ang perperktong hugis
ang matingkad na ilaw
ang dalawang magkaibang persona
na nakatitig sa kabilugan
kung may hihilingin man ako
gusto kong makasama
ang unang taong magbabasa
ng tulang ito
habang sabay kaming nakatitig sa kawalan
sabay gagawa ng alaala
sabay magbibilang ng tawa
minsan lang daw lumitaw ang "blue moon"
kaya gusto ko sana
andyan sya...
ang taong unang magbabasa ng tulang ito
BLUE MOON kasama ka
may spaghetti
may pizza
may mountain dew
may IKAW...

Monday, March 29, 2010
cease fire
masaya pala kapag humuhupa na ang gyera. pero mas masaya pa din kapag may nagwawagayway ng puting tela. yung tipong may sumusuko para maiwasan ang mga masasakit na balang pwedeng dumapo sa katawan mo. sa balikat. sa ulo. sa puso. masaya.
sa lahat ng away natin pakiramdam ko yung puting panyo ko lang ang laging nakikita. pero okay lang yun. ang importante sakin andyan ka. hawak pa rin kita. natatanaw ko pa rin ang ulo mo. nakikita ko pa rin ang mga ngiti mo. yun naman ang mahalaga. para sakin IKAW ang pinakamahalaga. okay lang kahit malusaw na ang pride ko. basta alam ko mahal mo ko.
sapat na sakin yun...

Friday, March 26, 2010
MAHAL at MAHALAGA
Tinanong mo ko "bakit mo ba ako mahal" sinagot kita "kasi tanga ako". Ganun naman talaga. May kahinaan ako pagdating sa kahit anong salitang mag uugnay sa kahulugan ng pag-ibig. Hindi ako eksperto dun. Alam mo yun. Madalas nga naiisip ko na BOBO ako. Kasi hindi ko maspell ng tama ang word na "love". Nangangapa ako lagi. Hindi ko makuha yung mga tamang letra. Namimisplaced. Minsan yung "L" napupunta sa dulo tapos yung "O" sa huli. Wala sa ayos. Wala sa format. Basta hindi sakto. Hindi ko din alam ang tamang formula ng "LOVE". Madalas kasi puro substraction saka division lang ang nangyayari. Kahit kailan hindi ako nakapag lagay ng "PLUS SIGN". Hindi tuloy mabuo ang equation. Kaya kahit ang haba haba ng equation ko, hindi ko pa rin masolved. Kasi hindi rin naman ako marunong magsubstitute ng value. Ganun ako kabobo.
Naalala ko sabi ng ex boyfriend kong si BOB ONG, "kung bibigyan ka ng isang milyon kapalit ng isang importanteng bagay na gustong gusto mong gawin, hindi mo madaling ipagpapalit yun". Ganun ako. Mahal kita at mahal ko din ang keyboard at computer ko. Mahal ko ang lahat ng letra at numerong nakalagay sa ibabaw ng keyboard ko. Kasi dun ko lang nabubuo ang mga salitang gusto kong sabihin kapag galit ako, kapag inspired ako, kapag inlove. Magkaiba kayo. MAHAL KITA. MAHALAGA SAKIN ANG PAGSUSULAT KO. Kung hindi mo pa rin makuha ang pagkakaiba nun, siguro nga mahina ako. Hindi ako magaling mag explain. Isa lang ang alam ko. Pwede kong pagsabayin yun. Hindi ko kailangang mamili. Sana kahit minsan lang. Maspell ko sayo ng tama ang "LOVE". Malay mo mabigyan mo din ako ng tamang solution sa napakahabang equation.
Magtulungan naman tayo. Pwede ba yun? Pakokopyahin kita. Pakopyahin mo ako. Hindi ko kasi kaya ng mag isa lang. Tulungan mo naman ako.

Subscribe to:
Posts (Atom)