Wednesday, July 21, 2010

basag

ako ngayon.


pero konti na lang mabubuo din ako. konting panahon na lang. at ngayon pipilitin kong buohin yung mga nagkalat kong piraso. ang tanga ko talaga kasi. dati naman ikaw mismo nag aabot ng mga maliliit na pirasong yun, nag iinarte lang ako kaya ayaw kong kunin. pakiramdam ko kasi nun di na ako yung taong dapat mag may ari ng medal. kasi wala naman akong ibang ginawa kundi saktan ka. habang abalang abala ka sa kakamartilyo tapos kakadecorate ng mundo ko, ako naman si pampam, namimili ng mga palawit para sa mundo ng iba. salabahe ako. pinitk kita ng patalikod. pero ni minsan di mo pinakitang namula ang tenga mo. pilit mo pa rin akong pinayungan sa lahat ng sakit. salbahe talaga ako.

kapag nabuo ko ulit ang sarili ko, promise di na kita paiiyakin. babawi ako. kahit ako na maglaba ng mga medyas mo araw araw. kahit ako na magluto ng pagkain mo sa almusal, sa tanghalian pati sa hapunan. kahit ako na rin ang bumili ng balang ibabaril mo sakin. basta babawi ako.

kapag nabuo ko kaya ulit ang sarili ko.....

ako na mismo ang bibili ng singsing na isusuot mo sakin. hindi pa ngayon. pero in time masasabi ko din tong linyang to "im ready to spend the rest of my life with you"














asan ka na kaya? di na kita natsasansingan.

No comments:

Post a Comment