ay hindi mo lang basta maririnig kundi makikita mo pa sa newsfeed. dahil ang ordinaryong salitang I LOVE YOU - palalawakin hanggang mai-like mo
Tuesday, August 28, 2012
am i not worth every fall?
Ang gusto ko lang naman, sampung minutong oras mo para sabayan akong kumain. Kahit nga limang minuto lang. Maramdaman ko lang na may kasama pa ko. Na adyan ka pa. na pwede mo kong hawakan. Tapikin kapag nabibilaukan. Sampung minuto lang. Yung masaya tayo. Yung hindi mo ipaparamdam sakin na kulang ako. Na kalahati lang ang happiness na maibibigay ko. Na ¼ lang ako kumpara sa mga taong minsang sumayaw sa mundo mo. Na ako ang nasa gitnang kulay ng bahaghari mo. Hindi ako yung “best” hindi rin ako yung huling tatatak. Gitna lang. Walang appeal. Hindi mamarka.
Gusto ko lang naman kahit tatlumpong segundo, maglandian tayo. Ifliflirt kita, gaganti ka. Gusto kong sabay nating maramdamang may spark pa. Hindi yung ako lang ang naniniwalang meron pa. Ang gusto ko lang hawakan mo yung kamay ko tulad ng dati. Yung konting dampi lang, magke-curve na agad yung ngiti. Yung walang pilitan. Yung hindi peke. Yung kusang binibigay. Kung pwede ko nga lang balikan yung nakaraan tapos tabunan na lang yung kasalukuyan. Kung kaya ko nga lang isulat na ang hinaharap. Mauuwi tayo sa masaya. Hindi ganito. Magkabilang mundo.
Para akong batang naghihintay ng paputok sa panahon ng tag ulan.
Umaasa. Aasa. Asa.
Monday, July 9, 2012
second chance
Yakap yakap ko sya ng gabing yun. Mahigpit na mahigpit, parang ayaw ko syang bitawan. Paulit ulit kong sinasabi ang mga salitang “I love you”. Walang kapaguran – paulit ulit.
First date namin ulit. Balik sa umpisa simula ng magkaroon kami ng tampuhan na nauwi sa hiwalayan. Halos isang taon din kaming hindi nagkita. Halos isang taon ding wala akong alam sa mga nangyayari sa kanya. Kahit sampung beses kong binibisita ang facebook page nya, wala naman akong makuhang kahit anong impormasyon. Di ko alam kong single pa din ba sya o nagpakasal na sa sobrang inis sakin. Profile picture nya lang ang tanging visible sa mga mata ko. Araw araw kong sinisisi ang mga block, remove, unfriend na function sa facebook. Araw araw akong napapamura sa tuwing bibisitahin ko ang profile nya. Ang sarap sarap lukutin ng mukha ni Jericho Rosales. Parang gusto kong itapon ang laptop ko. Pati profile picture na lang, napagdamot pa sakin. Binabato ko lagi ang sisi kay Jericho, tapos pag pagod na kong makipag away sa monitor, nanay ko naman ang inaaway ko. Bakit kasi hindi ako nagkaroon ng dimples nung niluwal nya ko. Di sana, di kami nagkakalayo ni Jericho. Close fight. Tipong isang balde lang ng tubig, hawig na ko sa pwet nya.
Pero mabait pa din si Lord, binigyan nya ko ng chance para maging masaya ulit. Nagbunga din ang halos isang taong paghihintay ko. Nagkaroon kami ng pangalawang pagkakataon para makabawi sa isat-isa. Para ma-itama yung mga mali namin, para maging mas sensitive kaysa sa dati, para mas maging responsable. Pangalawang pagkakataon para magbigay at tumanggap ng pag ibig.
First date namin ulit. Ang saya saya ko. Para akong lumulutang sa hangin. Para akong sexy model sa taas ng confidence level ko. Ngayon na naman lang ako nakaramdam ng sobrang excitement, tipong kahit Baclaran pa lang gusto ko ng bumaba. Ngayon na naman lang may bumisitang paro paro sa tyan ko. Ngayon na naman lang ako nakarinig ng musika sa paligid. First time ulit.
Sinundo ko sya sa bahay nila. Grabe para akong fifteen years old. Kinikilig ako sa tuwing tinutukso kami ng mga kapatid nya. Kinakabahan sa tuwing dadaan ang tatay nya. Nagiging OA sa pag galang sa tuwing sasagot sa mga tanong ng nanay nya. Ganito pala ang feeling kapag gustong gusto mong ayusin ang isang bagay. Kahit alam mong hindi mo sya mabubuo sa isang araw lang, pipilitin mong pagdidikitin ang mga nasirang piraso nito. Sa kahit anong paraan, kahit pa laway ko na ang ipandikit ko.
Hinawakan ko ang kamay nya habang naglalakad kami palabas ng bahay nila. Habang nasa taxi, hindi ko pa rin ito binibitawan. Sa tuwing magkukuwento sya, sinisiguro kong wala akong hindi maririnig. Tutok na tutok ako sa kanya. Sa tuwing magtatangka syang magpatawa, kahit hindi pa tapos ang banat nya, tatawa na ako. Sa tuwing babahing sya, sinisiguro kong maiiaabot ko kaagad ang panyo ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, hinding hindi ko na hahayaang masira kami ulit dahil sa takot akong ipakita yung totoo kong nararamdaman. Di bale ng masabihan ng PDA, di bale ng mag mukhang OA sa ibang tao. Ang importante, yung nararamdaman nya. Kung pano sya magiging masaya sa tuwing hahawakan ko ang kamay nya kapag napapaligiran kami ng ibat ibang maskara sa paligid. Kung pano sya makakahanap ng comfort sa tuwing aalalayan ko sya. Kung pano nya makikita ulit ang pag-ibig sa tuwing titingnan ko sya. Yun ang mahalaga. Maipakita at maiparamdam ko sa kanya yung mga bagay na naipagkait ko nung unang pagkakataong pinagkatiwala nya sakin ang puso nya. Basta ang mahalaga, maalis ko yung sakit na naramdaman nya sakin dati. Simula ngayon, ang mahalaga – sya.
Nanuod kami ng sine, kumain sa paborito nyang restaurant, naglakad lakad sa mall. Nagkuwentuhan. Nagtawanan. Nagpalitan ng sorry. Tumanggap ng patawad. Nagpatawad. Nag sabihan ng I love you. Sa isang araw, nahanap ko yung mga nawawalang parte ng pagkatao ko. Sa isang araw, nakabuo kami ng mga panibagong alaala. Sa isang araw, nalagyan ko ng band aid yung parte ng puso nya nasugatan ko nung mga panahong sarili ko lang ang iniisip ko.sa isang araw, nayakap ko ang mundo.
Sabay naming nakita ang paglubog ng araw, ang paglitaw ng mga bituin, ang pagsilip ng buwan. Holding hands. Face to face pa. Ang saya saya ko. Ang daming matitinkad na kulay sa mukha ko. Sa tuwing ngingiti sya, tumatalon ang puso ko. Mahal na mahal ko sya.
Yakap yakap ko sya ng gabing yun. Mahigpit na mahigpit. Sobrang higpit. Ayoko syang bitawan. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa mga dugong kumakapit sa kamay ko. Pilit kong tinatakpan ang tama ng baril sa likuran nya. Paulit ulit kong sinasabi ang salitang I love you. Tuloy tuloy ang pagpatak ng luha ko. Nakaramdam ako ng sobrang galit. Sobrang galit sa taong nakabaril sa kanya. Nasalo nya ang balang hindi naman dapat sa kanya. Dalawang balang umagaw ng mga binubuo kong pangarap. Dalawang balang sana, ako na lang ang sumalo.
Hawak hawak ng mga pulis ang lalakeng pilit paring nagpupumiglas. Sabog na sabog. Anak daw ng congressman kaya madalas magpaulan ng bala sa daan.
Hawak hawak ko pa rin sya. Duguan.
Saturday, June 9, 2012
love is
love is physically powerful. love is unruffled. love is merciful. love is kind. love is kissable. love is gorgeous. love is priceless. love is sweet. love is gentle. love is pure. love is crazy but endearing. love is extremely adorable and absolutely sexy. love is tender. love is gracious.
LOVE is YOU.
Happy monthsary baby.
Saturday, April 28, 2012
exchange blows
i give anything for a smile
will be anyone for a squeeze
be someone’s slave or hostage
get drown in the saddest sea
leave my world
build your dream
purchase a fortress
be not me...
and you…
i still don’t know.
never been a piece of your pie
or a part of the diagram
never filled up the hole
to you…
i am but me-
not sufficiently expert with your heart
powerless and weak
bitch at hand
egotistical monster
a mischievous sprite
for me… you’re a star
a diamond
a pearl
the Christmas
the v-day
the new year
the future
the house
the red car
my sweetest reverie…
and how exactly is that fair?
so love is never evenhanded
there’s you – there’s me
exchange blows
will be anyone for a squeeze
be someone’s slave or hostage
get drown in the saddest sea
leave my world
build your dream
purchase a fortress
be not me...
and you…
i still don’t know.
never been a piece of your pie
or a part of the diagram
never filled up the hole
to you…
i am but me-
not sufficiently expert with your heart
powerless and weak
bitch at hand
egotistical monster
a mischievous sprite
for me… you’re a star
a diamond
a pearl
the Christmas
the v-day
the new year
the future
the house
the red car
my sweetest reverie…
and how exactly is that fair?
so love is never evenhanded
there’s you – there’s me
exchange blows
Wednesday, January 4, 2012
minsan may isang budoy
malulungkot ako kapag nawala sya.
malulungkot
malulungkot
malulungkot
malulungkot.
bata pa lang kami hikain na sya. pero kahit na hihinihika na sya. nakkikipaglaro pa din sya ng habulan sakin. hindi sya titigil hanggang hindi sya nakakasabay sa takbo ko. kasi daw alam nyang iiyak ako kapag di ko sya makita sa tabi ko. kapag napuputol yung tali ng tsinelas ko, sya pa rin ang nag aayos. kahit na yung dila nya parang sasayad na sa lupang may jebs. okay lang yun. wala syang pakialam. ang mahalaga daw, hindi madumihan yung paa ko. para akong prinsesa kapag kasama sya. para akong may ari ng isang malawak na lupain. lahat ng natatanaw ng mga mata ko, pinipilit nyang akin. bata pa lang kami ganun na sya ka romantic mag isip. pakiramdam nya kasi sya yung prinsepe ko. prinsepeng sipunin.
sa kanya ako nagcoconfide ng mga nakakatawa saka nakakatakot na nangyayari sakin sa araw araw. sa kanya ko rin kinukuwento yung mga kapilyahan ko. kung pano ako nangungupit ng barya sa tindahan. kung pano ako tumatakas sa school para makipaglaro ng sungka saka bingo sa kalapit naming bahay saka kung pano ako nagpapanggap na pipi kapag nasa jeep. alam nya lahat yun. wala akong tinatagong sekreto sa kanya. ganun din naman sya sakin. tipong alam ko pati lasa ng sipon nya.
close na close talaga kami. dikit. kapag masaya kami, dinig sa kabilang kalye yung tawanan namin. kapag malungkot naman kami, pati abs-cbn, nakikidalamhati sa lakas ng iyak namin. walang okasyon na wala sya sa tabi ko. nung debut ko, kahit may hawak syang inhaler sya pa rin ang escort ko. ang cute nya nga. kasi habang sumasayaw nag pupuff sya. pero kahit mabigat yung dibdib nya pinilit nyang sumayaw. isayaw ako. hawakan ako sa isa sa mga mahahalagang parte ng pag iinarte ko. hindi nya alam kung gaano ko naappreciate yung mga ganung bagay. yung white rose nga na bigay nya, inipit ko pa sa libro ko. gusto ko kasi may remembrance ako sa kanya nung araw na yun. wala lang. trip ko lang. bakit ba? mas gusto kong ipreserve yun kaysa sa regalo nyang stuff toy.
madami din naman kaming adventures na magkasama. ay mali pala. lahat pala ng adventures ko, kasama ko sya. naaalala ko nga nung pumunta kami ng baguio, muntik na akong mahulog sa kabayo. nung makita nyang malalaglag ako. nabitawan nya yung hawak nyang coke. tumakbo sya agad palapit sakin. nung minsang maisipan naman naming magpakasosyal at uminom sa isang bar saka mag disco-disco, naramdaman ko yung nginig ng katawan nya habang kausap yung lalaking di-begoteng halos isang oras ng dikit ng dikit sakin. nagpaka hero na naman si 'hikain'. naalala ko din yung minsang masasagasaan ako ng bulok na kotse, nataranta sya. tinulak nya ko. nagbounce bounce ako sa may gilid ng daan. nakaganti na sya sakin. nahalikan ko na rin ang lupa. naawa ako sa kanya. dinuro duro sya nung nagmamaneho ng bulok, super bulok na sasakyan. "hoy budoy, wag kang tatanga tanga". pero hindi nya pinansin yun. nilapitan nya ko agad. natawa pa nga ako, kasi bigla nya kong hinawakan. sabi nya sakin "hi jackie, ako budoy".
yung last naming adventure. yun yung the best. gusto ko. yun lagi ang maaalala ko. sana yun din yung maaalala nya. naglalakad kami sa buhangin. tapos nagtutulak tulakan. tumatawa. tapos bigla na lang tumigil yung ikot ng mundo. pakiramdam ko kami lang dalawa yung tao. kung meron man. lahat sila invisible. hinawakan nya yung kamay ko. sabi nya mahal nya ko. higit pa sa kaibigan. niyakap ko sya syempre. matagal ko ding hinintay yun. naluha pa nga ako. tapos sya tumulo pa yung sipon.
"anong nangyari pagkatapos?"
wala, naisip naming sumakay ng bangka sa sobrang tuwa. baliw nga eh. sya daw mismo ang sasagwan. para kaming lumulutang sa hangin. pakiramdam namin tumama kami ng sampung milyon sa lotto. nakaguhit yung masayang ngiti sa mukha namin. may puso-puso pa sa nuo.
kaya lang tumaob yung bangka sa sobrang lakas ng alon. nakita ko sya habang nilalaro ng alon. sumusigaw sya. ramdam ko sa boses nya na inaatake sya ng hika. nakipag patayan ako sa alon. hanggang sa ma-save ko sya. sabi ko sa kanya, kumapit muna sya sa may katig. masayang masaya ako na naligtas ko sya. mahal na mahal ko sya. malulungkot ako kapag nawala sya.
"mahal mo pala? bat ka nandito?"
kasi yung bunsong kapatid nya, sumunod samin. nakita ko ang pagtaob ng bangka nila. tinatangay na sya ng alon palayo. kaya nagpakabayani ako.
okay lang yun. mahal na mahal ko kasi sya. buong buhay ko, lagi sya ang hero. panahon yun, para masuklian ko lahat ng mga nagawa nya sakin. alam ko malulungkot sya kapag nawala ang bunso nila. alam ko kung gaano nya kamahal ang mga kapatid nya. saksi ako ng lahat ng sakripisyo nya. lahat ng paghihirap. lahat ng pagpupursige. kaya alam ko. malulungkot sya. kaya eto, ako na si darna. niyakap ko sya sa oras na pakiramdam ko masasaktan sya. ako naman ngayon. lagi na lang sya.
.......
sabay sara ng libro.
"o tara na darna, pasok ka na sa langit. naghihintay sayo ang mga power puff girls"

Monday, October 10, 2011
sisiw.
walang kang makikitang fireworks ngayon
wala ding musikang sasabay sa ihip ng hangin
walang red carpet
walang blue rose
walang scented paper
walang love notes
walang romantic moves
walang anniversary definition
pero may isang sweet na poem para sayo
sinulat ko habang nagtratrabaho
walang lilitaw na kwitis dito
pero may mga letrang parang mag eexplode
walang blue rose na magbibigay kulay
pero may mga katagang panghabang buhay
walang kang dadaanang red carpet
pero lahat ng nakasulat dito
kaya kang ihatid sa fairy tale mo
hindi 10,000 pesos worth of grocesries
hindi mamahaling sapatos o relo
hindi rin titulo ng bahay at lupa
hindi rin bonggang negosyo
hindi isang kalabaw
hindi isang flower farm
hindi factory ng chocolate
o kahit ano pa mang materyal na bagay
ang magbibigay kulay sa petsang eto
ang mahalaga hawak mo parin ang kamay ko
may condo parin sa puso ko
at ikaw pa rin ang alam kong nangungupahan
ng libre sa di kalakihang property ko.
isang taon?
sus.
sisiw.
itatawid ko to hanggang puti na buhok mo
hanggang wala ka ng ilong sa kapapahid mo ng sipon
hanggang kaya ko...
magpapalit pa rin ang kalendaryo.
mahal kita.
katumbas ng libo-libong halaga.
happy anniversay baby!

Tuesday, September 13, 2011
trulalu
masaya ka pa ba?
naisip ko kanina
kahapon
last friday
hanggang ngayon.
minsan kasi paranoid ako
atin atin lang
ibulong mo na lang sakin
yung sagot mo
promise ililihim ko
gusto ko bumalik sa mga oras na galit galitan ako sayo, habang taranta ka naman sa kaka-tap ng likod ko. tapos ayaw ko pa ring papigil. para akong nakadrugs. akala mo pasan yung globo. samantalang yung biglang pag utot mo lang naman habang kumakain tayo ang kinagagalit ko. sorry kung medyo late na to. bigla ko kasing naisip na ang utak ko pala kasing laki lang ng kulangot. sobrang bagal pa kung mag process. tipong dadaan muna ng tuguegarao bago ko maisip ang tamang gesture. dapat pala di na lang kita inaway. sa halip inubos ko na lang yung amoy. kasi ganun naman dapat kapag mahal mo yung tao. mahal mo pati tutuli nya. pati sipon. lalo na yung utot. mahal mo eh. sorry mali ako.
minsan talaga para akong abnoy.kapag late ka, bigla na lang akong nagtratransform. bigla akong lulunok ng tawas sabay sisigaw...holah ako na ang kontrabidang hilaw.sorry. bad ako.
itatanong ko lang...sa lahat ba ng pangit na nagawa ko. bati pa rin tayo? masaya ka pa ba. sabi ko naman kasi di talaga ako juliet material. may mga panahong insensitive ako. may mga piling araw na magtatantrums ako. may mga oras na makakalimutan kong sa iisang sports car tayo nakasakay. kailangan kong tumingin sa traffic lights. kailangan kong prumeno sa tuwing may tatawid. kailangan kung isiping kahit imbento lang ng tao ang batas, hindi masamang paminsan minsan aralin ko to. sorry. bongga.
masaya ka pa nga ba? ano man ang sagot mo, iisa pa rin ang itutugon ko.
"sa mga panahong impakta ako sayo, di ibig sabihin nun. di kita mahal, o mas mahal mo ko. o mas konti ang love na ibinibigay ko. pareho lang tayo. ang level mo. level ko din. pantay tayo. sa kahit anong measuring cup pa yan. aabot ako, kung san ka aabot. mahal kita. dahil mahal kita. walang dahil kyut ka o matalino ka. kasi kapag di ka na kyut at kasing bobo mo na yung mga pulitikong madalas nating nakikita sa tv...hahanap at hahanap tong feast shape organ sa gitna ng dibdib ko ng rason para paulit-ulit kang puriin".
kahit anong sagot mo.
eto pa rin ako.
pinky swear.

Subscribe to:
Posts (Atom)